Showing posts with label Bulaga Pa More. Show all posts
Showing posts with label Bulaga Pa More. Show all posts
Friday
Kalyeserye Recap: Alden as Elvis, Maine as Madonna
Handang-handa na nga ang AlDub para sa kanilang performance sa "Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More" ng Eat Bulaga ngayong Sabado.
Ngayong Biyernes nga sa Kalyeserye, todo-bihis ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang talent.
Si Alden Richards, ginaya ang King of Rock 'n Roll na si Elvis Presley.
Si Maine Mendoza naman, kuhang-kuha ang Queen of Pop na si Madonna.
Team AlDub! #ALDUBPreparePaMore pic.twitter.com/rFbMSqO7YX
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015
Pero kahit iba ang bihis, hindi nawala ang pakilig ng dalawa.
Alden: kanta ka ba ni Madonna? Yaya: bakit? Alden: Kasi I'm crazy for You #ALDUBPreparePaMore
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015
Yaya to Alden: "COMMUTE ka ba? Dati CUTE ka lang ngayon lalo kang COMMUTE". #ALDUBPreparePaMore
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015
Sa huli, may bilin si Lola Nidora sa AlDub.
Kailangan daw, sabay ang performance ng phenomenal love team.
Bukod pa dito, nagbigay din si Lola ng ilang choices kung sino dapat ang maging peg ng dalawa: 1) Ken and Barbie; 2) Guy and Pip; 3) Justin Bieber and Miley Cyrus.
May pang-apat na choice din: ang none of the above, kung saan hindi na papayagan ni Lola na magtanghal ang dalawa.
Sino ang dapat gayahin ng AlDub? Click here to vote. —JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Saturday
Paolo Ballesteros, first grand winner ng 'Bulaga Pa More'
Nagbunga ang buwis-buhay na pagtatanghal ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga nitong Sabado matapos siyang maging kauna-unahang grand winner ng "Bulaga Pa More."
Ibinigay naman ni Vic Sotto sa pinakabatang kalahok na si Ryzza Mae Dizon ang special award.
Dahil sa pagkapanalo ni Paolo, pipili siya ng paaralan na paglalaanan ng kaniyang premyong P500.000.00.
Bukod sa ganda, marami ang namangha sa ginawang performance ni Paolo na mala-Super Siyerna.
- FRJ, GMA News
source: gmanetwork.com
- FRJ, GMA News
Subscribe to:
Posts (Atom)



