Hindi nagpahuli sina Rochelle Pangilinan at Mike Tan sa pagbibigay ng
kasiyahan sa mga Kapuso sa Cebu sa isinagawang mall show sa Mandaue
City.
Sa ulat ni Mark Salazar sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, hindi binigo ng dalawang Kapuso stars ang mga Cebuano na all out sa kanilang pagtatanghal.
Hinarana
ni Mike Tan ang kanyang mga Cebuana fans, habang nagpamalas ng kanyang
husay sa pagsayaw si Rochelle na dating member ng SexBomb all female
dance group. - MMacapendeg/FRJ, GMA News
source: gmanetwork.com