Showing posts with label Kapuso Stars. Show all posts
Showing posts with label Kapuso Stars. Show all posts

Tuesday

Fans of Dingdong and Marian allotted an area in front of church to view wedding

 
With their wedding a much-anticipated event, fans of Kapuso stars Dingdong Dantes and Marian Rivera will be allowed to share in the moment outside the Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.
 
In an interview with Unang Hirit on Tuesday, Adlai Astoriano, head of security for the wedding, said fans are allowed at a certain area in front of the church, where they set up barricades.
 
"Pwedeng tumayo 'yung mga tao dito, pero hindi lang dito sa loob (ng barricades), para lang ma-clear natin 'yung area, and hindi magulo 'yung activity natin later," he said.
 
 
 
 
He added: "Medyo mahirap i-secure ito dahil nasa open area tayo, but we had about three months [of] preparations para sa security."
 
The area enclosed by the barricades will serve as the drop-off point of guests, as well as the bride, he added.
 
A widescreen has also been set up in front of the cathedral for the fans to witness the wedding from outside. The wedding ceremony is scheduled at 2:28 p.m. Tuesday.
 
 
 
Roads closed
 
  • New York - E. Rodriguez Sr.
  • Seattle - Aurora Boulevard
  • Boston - Aurora Boulevard
  • Boston - Lantana
  • Lantana - Aurora Boulevard. 
 
"Right now may total closure na tayo. Bubuksan natin siguro ito mamaya pang 9 p.m.," he said.
 
Astoriano said they have coordinated with the barangay, which in turn talked to the residents of the area "to bear with us" for the said event.
 
For his part, Ramon Salas, captain of Barangay Immaculate Conception, said they prepared for the wedding as early as October.
 
He said most of the residents there are "excited" that Dantes and Rivera's wedding will take place there. 
 
"Mixed emotions ang reaction nila. 'Yung iba excited, 'yung iba hindi nila maintindihan, pero overall, masaya naman 'yung mga tao," he said.
 
He added that Dantes is a "son" of the barangay, having been raised there.
  
"Anak po talaga siya ng Barangay Immaculate at siyempre ipinagmamalaki po namin siya dito," Salas said. —Rose-An Jessica Dioquino/KG, GMA News

source: gmanetwork.com

 
 
 

Wednesday

Alden Richards denies courting Julie Anne San Jose


May bulung-bulungang balak daw ligawan ni Alden Richards ang kapwa niya Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Nagsimula ito noong nakaraang Pasko kung saan nagpalitan ng regalo ang dalawa—at nabigyan ito ng malisya ng ilan.

Binigyan ni Alden si Julie Anne ng neck pillow na may teddy bear head, at binigyan naman ng young singer-actress ng chocolates ang young actor.

Doon sila unang nagkatuksuhan.

At nang mag-guest si Alden sa Startalk TX nung Sabado, January 4, ay tinanong ito sa kanya.

Inamin niya ang exchange gift nila nung nakaraang Pasko. Pero itinanggi ng binata ang balitang nililigawan nito si Julie Anne.

“Sino ba naman po ang hindi mai-in love kay Julie Anne? Pero wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw.

“Mabait siya, e. Napaka-down to earth. Walang arte, yung star complex," pagsalawaran nito sa Kapuso young singer.

Hindi pa masabi sa ngayon ni Alden kung balak nga ba niyang ligawan, dahil hindi naman daw siya nagmamadali.

Pero handa naman daw siyang ma-involve sa isang relasyon ngayong taon.

Kung si Julie Anne na ba ito, hindi pa raw niya masasabi dahil hindi pa naman daw sila nakakapag-usap nang masinsinan.

Sabi ng Kapuso heartthrob, “Nagkakasama lang naman po kami sa Party P [Pilipinas], minsan sa mga out-of-town shows—at doon ko siya nakita kung gaano siya ka-genuine na walang kaplastikan."

Ang isa pang inaalala ni Alden ay ang JuliElmo fans, ang hukbo ng tagahanga ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

“Yun nga po, e. Pero hindi ko naman po aagawin si Julie Anne sa loveteam nila," paniniguro ni Alden.

Sana raw maintindihan siya ng JuliElmo fans na baka magalit nga sa kanya.

“Kami naman ni Elmo, wala naman po kaming problema, e. Hindi pa nga po namin ‘to napag-usapan. Bahala na po," nakangiting pahayag ni Alden.

MALE BEAUTY PAGEANTS. Samantala, hiningan na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden ng reaksiyon sa mga kumakalat sa Internet na mga dating litrato niya nung sumasali pa siya sa all-male beauty pageants.

Sabi niya, “Aware naman po ako, at saka okay lang po kasi naging part ko naman po ang pageant, e.

“That was three years ago, at wala naman po akong dapat ikahiya since ginawa ko naman po talaga siya."

May ilang mga litrato nitong naglalabasan na naka-swimming trunks at hindi naman daw ito isyu sa kanya.

Kung sakaling mabigyan siya ng proyekto na medyo daring, nakahanda naman daw siyang gawin ito.

“Twenty-one naman po ako, at least for a change po," napangiti niyang sagot.

Kung sakaling mabigyan siya ng proyektong kailangan niyang maghubad, okay naman daw siyang gawin iyon basta maganda lang ang material.

“Opo naman. Kung kinakailangan po sa story at kung nakakaganda sa project, why not?"

Pati gay role ay kaya naman daw niyang gampanan. Ang hindi lang daw siya handa ay makipaghalikan sa kapwa aktor.

“A, yung physical contact, hindi ko pa po kaya.

“Basta kung matinong gay role po na hindi kabastus-bastos at 'di nakakasira ng image, open po ako diyan," sabi ni Alden sa PEP. -- Gorgy Rula, PEP

source: gmanetwork.com

Mike Tan at Rochelle Pangilinan, nakisaya sa Cebuano fans

Hindi nagpahuli sina Rochelle Pangilinan at Mike Tan sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga Kapuso sa Cebu sa isinagawang mall show sa Mandaue City.

Sa ulat ni Mark Salazar sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, hindi binigo ng dalawang Kapuso stars ang mga Cebuano na all out sa kanilang pagtatanghal.

Hinarana ni Mike Tan ang kanyang mga Cebuana fans, habang nagpamalas ng kanyang husay sa pagsayaw si Rochelle na dating member ng SexBomb all female dance group. - MMacapendeg/FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com