Monday

Rocco Nacino enjoys 'leading lady' role in latest gay indie flick

After last year's Cinemalaya new breed entry, Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan gumanap siya bilang isang closet gay, muling mapapanood si Rocco Nacino sa isa na namang gay indie film.

This time, it's a comedy, titled I Love You, Pare Ko. Ang love interest ni Rocco dito ay si Rodjun Cruz.

"Nag-e-enjoy ako (in doing gay roles), pero, sabi ko, itong film na ito... last ko na itong pag-portray na gay.

"I don't want to be stereotyped as (onscreen) gay," sabi ni Rocco, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong January 18, sa GMA-7 studios.



But why so soon? In a matter of less than 7 months, may bagong gay movie appearance uli ang premyadong young actor.



"'Yun nga," naisip niya. "Kaya sabi ko... kasi nga, challenge siya. Parang ganun."

 "Comedy (naman), tapos ibang klaseng pag-portray ko. So, sabi ko, gagawin ko, pero last na."

 What if may dumating uling magandang offer, na kasing challenging.

 Hindi ba niya ire-reconsider?

 "It depends. But it will take time muna," sambit ni Rocco. "Hindi lang naman gay roles ang available, e."



RODJUN CRUZ's 'LEADING LADY.'  Earlier, sa promo-guesting nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz sa show ni Kuya Germs (German Moreno's Walang Tulugan With The Master Showman), naging "game" naman si Rocco sa pagpapa-interview at pag-arte, bilang isang bading (gay).

 Tuwang-tuwa si Kuya Germs sa dalawang bida ng bagong gay indie film

Katuwang niyang naghu-host ang young actor-protege na si Jhake Vargas at ang dalawang mainstays ng show, na sina John Nite at new female TV host, Gaby (o Gabbie) Garcia, whom Kuya Germs introduced as the daughter of character actor, Emilio Garcia.

Tinanong ni Jhake si Rocco kung sino ang leading lady ng pelikula.

"Ay, naku! Gusto ninyong malaman kung sino ang leading lady dito?

 Ako!" lahad ni Rocco, sa tonong gay, much to everyone's amusement.

 "Yes, kaya yun po ang title ng movie, I Love You, Pare Ko.

 "Kaming dalawa po (ni Rodjun) ang bida rito. Ang leading lady ay yours truly.

 "Ang peg ko dito ay parang si 'Kuya' Roderick Paulate. Maraming twists (ang kuwento)."

Sabi naman ni Rodjun, "Ito ang dapat nilang abangan, dahil ito yung pinakabagong loveteam - 'RoRo' loveteam (for Rocco and Rodjun)."

Tanong naman ni Kuya Germs:  'Paano kung may ma-in love sa iyong "boy" (o gay man)?'

"Ako? Pag may na-in love sa akin?  Ahh... thank you," nangiting sabi ni Rocco.

 Dagdag niya, "Character lang po yung ginawa ko. Ibig sabihin, effective talaga yung ginawa ko..."


SOFT SPOT FOR 'INDIES.'  Meanwhile, masaya si Rocco Nacino sa paggawa ng indie movies, simula nang gawin niya ang nasabing Cinemalaya 2012 Filmfest entry.



"Of course, indie films have a place in my heart," aniya.

 "Nagsimula ako sa ... Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (by indie writer-director, Alvin Yapan)... dahil doon, nagkaroon ako ng tatlong awards," wika rin ni Rocco.

Dalawa sa mga iyon ay ang napanalunan ni Rocco, as Best New Movie Actor at Breakthrough Performance by An Actor awards ng PMPC (Star Awards for Movies) at Enpress (Golden Screen Awards), respectively.


MAINSTREAM ARTIST. Pero bilang isang Kapuso, si Rocco Nacino, na produkto ng reality-based artista search (StarStruck, Batch5) ay nananatiling mainsteam TV-movie actor.

Kasalukuyan siyang napapanood sa pang-hapong drama series, ang Yesterday's Bride, katambal si Lovi Poe; at tuwing Linggo, bilang isa sa male co-hosts-performer sa musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas.


"After Yesterday's Bride, meron akong gagawin sa GMA Films," sabi ni Rocco.

Napag-alaman ng PEP, though unconfirmed, na ito'y may titulong My Lady Boss, a romance-comedy, na pagbibidahan diumano nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

As to GMA's other plans, Rocco informed, "Meron akong isang project na gagawin - special ng GMA News - a mini-serye which will run for three months.

"Tungkol sa (election) campaigns natin.  Maraming magaling na artista... (na kasali sa project)."

 Hindi niya binanggit ang dahilan, o kung iniiwasan man niya ang pag-participate sa campaign sorties ng mga politicians, pero wala nga raw ikakampanya si Rocco sa darating na eleksiyon.

"Wala," pagtukoy niya. "Dun sa project na gagawin ko, bawal akong mag-kampanya, so yun ang tinanggap ko." — William R. Reyes, PEP.ph

source: gmanetwork.com