Showing posts with label Philippine Entertainment Portal. Show all posts
Showing posts with label Philippine Entertainment Portal. Show all posts
Monday
LJ Reyes wishes to rekindle friendship with Paulo Avelino
Nagkaroon ng pocket presscon ang GMA Artist Center para sa mga artists nila na ang karakter na ginagampanan sa mga serye ng GMA-7 ay kontrabida.
Isa si LJ Reyes sa mga nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa naturang presscon sa Max’s Restaurant noong June 24.
Sabi nga namin sa kanya, “kontrabida” na pala ang label niya.
Ayon naman kay LJ, “Actually, kasi siguro, mas madali lang yung label, kasi para lang mas ma-distinguish.
“Kasi ngayon, nowadays, mas nagiging totoo na yung story na ginagawa natin. At sa totoong buhay, wala naman talagang kontrabida.
“Minsan, meron lang circumstances na yung mga tao, nagiging bida, nagiging kontrabida because of the way they react to things.
“So sa buhay ko, siyempre, ako ang bida. Siyempre, meron akong sariling kontrabida. Yung ganun. Pero, sa totoong buhay, wala naman pong kontrabida.”
Sa totoong buhay, sino kaya ang kontrabida sa kanya?
Natawa ito sabay sabing, “Wala naman... yung mga circumstances talaga. Depende sa personality mo, sa mga goals mo. Doon ka lang magre-react differently.
“Tapos, hindi naman talaga kontrabida pero, yung reaction mo, it’s either mahe-hurt mo ang isang tao or mapapasaya mo.
“Kapag na-hurt mo ang isang tao, ikaw na ang kontrabida. But not necessarily labelled ka as kontrabida.”
E, siya, naging kontrabida na rin ba siya sa totoong buhay?
“Feeling ko naman, I might have hurt people unconsciously or indirectly. But it’s not something I meant to do.
“Hindi naman siguro, hindi naman kontrabida. Kasi kapag kontrabida, sinasadya ko talagang saktan yung tao.”
“Actually, nakakatawa, noong bata ako, maldita talaga ko. Kunwari may kalaro ako, lalo na halimbawa mga pinsan ko, kung nabuwisit ako sa kanila, isusumbong ko sa lolo ko.
“E, yung lolo ko, favorite ako, sila ang pinapalo,” natawang kuwento pa niya.
Prefers challenging roles
Kung tatanungin siya, mas gusto ba niya na ang label niya ay kontrabida o bida?
“Ang gusto ko talaga, hindi ko naman gustong i-label ang sarili ko na kontrabida o bida.
“Pero gusto ko lang talaga yung mga role na matsa-challenge ako. Sometimes kasi, kapag binigyan ka ng bida role, ang nangyayari, hindi na siya masyadong challenging.
“Tapos, may nagtanong sa akin one time, bakit daw sa mga indie films, bida ako, pero sa TV, kontrabida ko.
“Sabi ko naman, gusto ko nga yun na nagagawa ko pareho, nang sabay. Puwede ako sa TV mag-kontrabida at puwede akong magbida sa indie.
“Sa akin, mas tinitingnan ko ang character kung gaano ka-complex, instead of labelling kung bida o kontrabida,” diin niya.
Pero paano nga kung ang label na sa kanya ng Kapuso network ay kontrabida?
“Okey lang, buti nga may label,”natawang sabi niya.
New Series
Sa telebisyon, sa Yagit muli mapapanood si LJ. Pero ang sabi raw ng director nilang si Gina Alajar, wala raw siyang masasabing kontrabida sa serye.
Si LJ ang gaganap sa role na Flora.
Aniya, “Ako ang gaganap na live-in partner ng kapatid ni Yasmien Kurdi. Eventually, sa amin sila titira kasama ang mga bata.
“E, si Flora, gusto niya ng masarap na buhay, maluwag na buhay. Very comfortable life ang gusto niya. So hindi talaga siya kontrabida na kontrabida.”
Nag-story conference pa lang daw sila para sa Yagit dahil balitang September o October pa raw yata ito magpa-pilot.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng nationwide audition. Kasama sila sa audition. Bakit kailangang kasama pa sila?
“Para ma-inspire ang mga kids?” natawang sabi niya.
May nahanap na ba sila?
Ani LJ, “Ang alam ko si Direk Gina, kumukuha sila ng 20, tapos, papabalikin pa ulit yun and down to four.
“Pero I think, kung may makita talaga sila na magagaling na bata kahit hindi pasok sa apat na characters, they might still get them so, audition lang sila nang audition.”
Indie film
Habang wala pang regular na drama series, tinapos muna raw niya ang indie film na The Janitor na pang-Cinemalaya.
Kapareha naman ni LJ rito si Dennis Trillo bilang asawa niya.
“Okay naman ang movie. Masarap kasi talagang katrabaho si Direk Mike [Tuviera]. Yung production, masarap katrabaho. Napakagaan.
“As an actor, si Direk Mike... hindi ka niya pababayaan. Si Dennis, siyempre, masarap katrabaho. Very professional,” paghanga ni LJ.
Paano niya ilalarawan ang karakter niya sa Janitor?
“Mabait naman siyang asawa kasi yung character, minahal talaga niya nang buong-buo si Dennis.
“Yung tipong puwede naman siyang pumili ng iba kasi nga dapat parang hindi kasi siya galing sa mahirap, yung character niya. Pero pinili niya si Dennis... kasi mahal niya,” detalye pa niyang kuwento.
Napansin si LJ sa dalawa niyang naunang Cinemalaya movies. Sa The Leaving ay nanalo siya ng Best Supporting Actress. Na-nominate rin siya sa ilang awards dahil naman sa Intoy Syokoy.
Posible kayang mapansin siyang muli sa The Janitor?
“Iba kasi yung The Leaving, iba kasi yung genre niya, iba rin ang Intoy... ito naman parang action-drama.
“Sana. Hindi ko alam,” kibit-balikat niyang pahayag.
Mommy LJ
Masaya naman daw ang pagiging ina niya sa apat na taong gulang na anak na si Aki.
Sabi nga niya, “Masaya, challenging pa rin. Kasi every time na lumalaki ang anak mo, umaabot sila sa iba’t ibang stage.
“Nag-iiba-iba rin kung paano ang attack mo of raising them, pakikipag-usap sa kanila.
“Siyempre ngayon, kailangan talaga disiplinahin mo siya, turuan mo siya.”
Nagtatanong na ba sa kanya ang anak niya?
“About what? Marami namang tanong ang batang yun. Karamihan pa nga, why.”
Ano ang sagot niya sa mga “why” na tanong ni Aki?
Lahad niya, “Hangga’t kaya kong sagutin, sinasagot ko. Kapag hindi ko na masagot, sinasabi ko, 'E, why are you asking so many questions?'”
Tungkol sa ama nito, kay Paulo Avelino, nagtatanong na rin ba sa kanya?
Dagdag pa niya, “Sa amin ni Pau, wala naman siyang tanong. Minsan hahanapin niya, 'Mommy, where’s Daddy?' Sasabihin ko, nasa work. Ganyan...”
Hindi ba siya tinatanong ni Aki why Daddy’s not coming home?
Tanggi niya, “Hindi, feeling ko kasi, namulat na siya na ganoon ang set-up. And I don’t think naman kasi na nakukulangan siya sa pagmamahal.”
Love life
Kung si Paulo ay hayagan na nanliligaw, o kung anuman ang meron sila ni KC Concepcion, sa parte naman ni LJ, kumusta ang lovelife niya?
May mga manliligaw ba siya?
“Meron naman po,” natawang sagot niya.
“Feeling ko, feeling ko lang! Hindi tayo sure!” natatawang sagot pa rin niya.
“Actually kasi, ayoko ng suitors, gusto ko friends. Mas gusto ko ang maging friends.
“Kasi, kapag sinabi mong ligaw, best foot forward ang mga lalaking ‘to.
“Kaibiganin niyo na lang ako.”
Paano kung ligawan nga siya?
“Na-o-awkward po ako kapag nililigawan ako, kapag may pinapadala sa akin.”
Happy for Paulo
Naitanong namin kay LJ kung paano at ipakilala siya ni Paulo kay KC.
“Okay lang,” nakangiti niyang sabi.
May epekto pa ba sa kanya kapag nakakabalita siya tungkol kay Paulo at may iba na ngang napupusuan?
“Wala e, actually, magiging happy talaga ko kung kunwari maging okey sila at happy sila pareho.
“Siyempre, kung happy ang isang tao, lalabas sa kanya yun. Magaganda ang magagawa niya.”
Kung sinuman ang maging asawa o makakatuluyan ni Paulo, yun din ang magiging stepmom ng anak niya.
“Stepmom agad?” natawang sagot niya.
Kung sakali, concerned ba siya sa magiging stepmom ng anak niya?
“Oo, pero, teka naman, boyfriend-girlfriend pa lang ang pinag-uusapan. Hindi pa naman sila pakakasal,” natatawa niyang banggit.
May nagsabi naman kay LJ na doon na rin papunta yun.
“Opo nga, pero, let’s give them time. Huwag natin silang madaliin. Kung mangyayari, mangyayari yun.
“And I’m sure naman si Pau kung papasok sa isang relationship, alam niya yun, seseryosohin niya. I don’t think na kakalimutan niya ang responsibilities niya kay Aki.
“At kasama na ro'n ang pagpili niya sa pangalawang nanay ni Aki, sabihin na nating ganun...
“I’m sure, pipili naman si Pau ng isang tao na, siyempre, wife niya in the future, katuwang niya sa lahat ng bag
No reconciliation
Tahasan namang sinabi ni LJ na hindi na siya umaasa na magkakabalikan pa silang dalawa.
At saka ito tinanong kung nawala na ba ang love.
“Wala na,” saad naman niya.
“Hindi na kasi ganun, e. I have respect for Pau kasi, siya ang tatay ni Aki.”
Biniro naman si LJ na kung wala ng love, lust na lang?
“Wala, wala rin,” natatawang sabi niya.
“Walang love, wala na ring lust. Hayan, para malinaw. Pero yung respeto, hindi puwedeng mawala kasi, tatay siya ni Aki.”
Friendship with Paulo
Bilang nanay ng anak ni Paulo, hindi raw malayong kahit wala na sila, posibleng pagselosan pa rin siya ng magiging karelasyon nito dahil habang-buhay silang may ugnayan.
Sabi naman ni LJ, “Hindi wala na yun.
=hindi pa ro'n sa comfort level ng friendship namin dati na bago pa kami.
“Gusto kong mabalik yun. Para kay Aki. Kahit noong wala na kami, halimbawa, special occasion, magkakasama kami.”
Kumusta bang ama si Paulo kay Aki?
“Very loving naman siya kay Aki at saka, kapag sila naman ang magkasama, hands-on naman siya.”
Spoiler ba si Paulo?
“Oo, nai-spoil niya kasi, minsan na lang sila magkita. Ako na lang ang disciplinarian.” — Rose Garcia, Pep.ph
source: gmanetwork.com
Wednesday
Rosanna Roces reacts to court’s decision on breach of contract case filed by GMA-7
Nagpahayag ng kanyang saloobin ang aktres na si Rosanna Roces tungkol sa naging desisyon ng korte sa kasong breach of contract na isinampa ng GMA Network laban sa kanya.
Napatunayan ng Quezon City Regional Trial Court na guilty ang aktres sa paglabag sa kontrata nito bilang StarTalk host noong 2004.
Walong taon na ang nakalilipas nang maisampa ang kasong ito ng dating home network ni Rosanna.
Ayon sa isa sa post ni Rosanna sa kanyang Facebook account noong September 15, idiniin niya na wala na siyang update tungkol sa kaso simula nang mamatay ang kanyang abugado.
“UNA wala akong natatanggap na anumang sulat kung me hearing o wala pangalawa.. namatay ang abugado kong si ATTY DAVE PUYAT at magmula nuon kung anuman ang nangyari sa kaso ay clueless ako,” sabi ng aktres.
Ayon sa desisyon ni Presiding Judge Alfonso C. Ruiz III ng Quezon City Regional Trial Court, hindi sapat ang pagpapaalam noon ni Rosanna sa StarTalk na nais na niyang mag-retire sa showbiz upang mapawalang-bisa ang kanyang kontrata.
Matatandaang nagpaalam si Rosanna bilang host ng StarTalk noong 2004. Ilang buwan ang nakalipas ay lumabas siya sa weekly showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz at sa S-Files ng GMA-7
Katuwiran naman ni Rosanna, tinanggap ng GMA-7 ang kanyang resignation kaya “malinaw na pinalalaya na nila ako.”
Dagdag pa niya, “Kung ako nakakontrata pa sa kanila mula noon, e, di dapat may natatanggap akong suweldo para masabi nila na ako ay under their company's contract.”
Umaabot ng halos P2 million ang hinihinging danyos ng GMA-7 mula kay Rosanna. Kabilang dito ang liquidated damages, exemplary damages, at attorney’s fee.
Tugon naman ni Rosanna tungkol dito, “Since alam naman ng lahat ang nangyari sa buhay ko na di ko naman itinatanggi... wala akong pagkukunan ng ganyang halaga.
“At kung meron man.... di nila ito makukuha sa akin sa hirap ng buhay at sa daming isyu ng pagnanakaw sa gobyerno na katumbas ng pagnanakaw sa ating lahat na nagpapakahirap para maitaguyod lang ating pamilya sa tamang pamamaraan.”
May pahabol pa siya sa huli na: “‘CHARGE NYO NA LANG KE BONG REVILLA’. Prayers included”
ON BONG REVILLA. Nang lumabas sa balita ang desisyon sa kasong breach of contract na isinampa ng GMA-7 laban kay Rosanna, nag-post ang aktres ng ilang mensahe sa kanyang Facebook account.
Kabilang dito ang ilang patutsada kay Senator Bong Revilla, na lolo ng kanyang apong si Gab.
Ang mga magulang ni Gab ay ang anak ni Bong na si Jolo Revilla at ang panganay na anak ni Rosanna na si Grace Adriano.
Sa kanyang status, may parinig si Rosanna kay Senator Bong na: “ah baka pde mo naman ako pautangin 1.5m lang ibabayad ko daw ke GMA ayyyyy anu ba yun ! sa GMA7 pala...eh tutal dun ka naman nag wo work.pde ba ibawas na lang sa tf mo? di kaya naman pagta trabahuhan ko na lang.. pde mo ko gawing yaya ng apo ko.”
Sinubukang kontakin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rosanna upang hingan ng karagdagang pahayag, pero hindi pa siya sumasagot. -- Nerisa Almo, PEP
source: gmanetwork.com
Sunday
Mark Herras clarifies near-breakup issues with girlfriend Ynna Asistio
Kamakailan lang ay eksklusibong nakausap nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Herras habang pababa siya ng hagdan sa isa sa mga studio ng GMA-7.
Ang pagbawi upang manumbalik sa dating normal na relasyon nila ni Ynna Asistio ang unang tinanong namin sa Kapuso actor.
Matatandaang noong makapanayam si Ynna ng PEP sa nakaraang Star Awards for Movies, inamin nitong muntik na silang mag-break ni Mark.
Ayon kay Ynna, ilan raw sa mga naging problema nila ni Mark ay ang kawalan nito ng panahon sa kanilang relasyon. Kasabay nito, napagod na rin sila sa isa’t isa mula sa limang taon rin nilang pagiging magkasintahan.
Sagot ni Mark sa aming tanong, hindi naman raw siya bumawi sa naging pagkukulang niya kay Ynna.
“Wala namang dapat bawiin, nung time lang naman yun ang nawala at naiintindihan naman niya yun, busy talaga,” bungad na paliwanag ni Mark.
Dugtong pa niya, “I mean, nung nagsimula kaming mag-taping nagpu-four times a week kami… nagti-three times a week kami. Ngayon lang nagkaroon ng regular day sa taping. Every Tuesday and Thursday. So, okey na yun.”
Ibinahagi namin kay Mark ang sinabing rason ni Ynna sa isa pang factor kung bakit niya ginustong makipag-break. Napagod na rin kasi ang girlfriend niya sa limang taon na nilang magkasintahan.
Tugon agad ni Mark, “Actually, wala naman sa amin ang problema. Nagkataon lang na talagang busy at nagkaroon pa ng problema, hindi naasikaso.
“Ayun, before Holy Week pa naman okey na kami.”
Keeping the love alive
Base sa mga salita ni Mark, mukhang seryoso na ito sa pakikipag-relasyon, kumpara dati na hindi nagtagal sa kanya ang mga naging girlfriend niyang sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili.
“Hindi naman katulad dati,” pahayag niyang paglilinaw.
“Kasi kami ni Ynna we’ve been together for five years na, e, hindi na rin biro yung pinagsamahan namin. I mean, konting tampuhan, konting away… hindi naman puwedeng ipagwalang-bahala na lang yun.
“Siyempre, inaayos rin namin kung anuman yung problema.”
Maliban sa tagal na ng kanilang relasyon ni Ynna, ano pa ba ang mga qualities na meron ang nasabing girlfriend kaya hindi niya gustong pakawalan ito sa buhay niya?
“Si Ynna kasi sobrang napakabait na tao. Napakabait na anak, napaka-very, very understanding na girlfriend, at the same time, pilit niyang iniintindi lahat.
“So, bihira ka nang makahanap ng gano'ng ka-relasyon, na pagdating sa trabaho yung iba minsan hindi ka iintindihin, hindi ka susuportahan.
“Pero si Ynna sa lahat ng mga ginagawa ko, nakasuporta si Ynna.”
Tumino ka ba kay Ynna? Tanong namin kay Mark na nagpangiti sa kanya.
“Matino naman ako, e!” natatawa niyang reaksyon.
“Nagkakataon lang na nagkakaroon ako ng issue before na babaero ako. Pero napatunayan ko naman na stick-to-one naman akong tao.”
Ynna going sexy?
Pagdating naman sa plano ni Ynna sa kanyang career, ipinaabot namin kay Mark ang ibinalita ng kasintahan niya sa press na magma-mature na raw siya sa mga roles na gagampanan niya sa mga susunod niyang acting projects.
Kabilang sa mga sinasabing mature roles ni Ynna ay ang pagpapa-sexy na rin niya nang konti.
Napagusapan ba nila ito ng girlfriend niya? Tanong namin kay Mark.
“Ahm, isa sa mga ginagawa niyang paghahanda kaya sobrang payat niya ngayon. At ano… okay naman, susuportahan ko si Ynna kasi pagdating naman sa trabaho namin, trabaho talaga.”
Kahit mag-pose sa FHM ang kasintahan mo?
“Kung papayagan siya ni Tita Nads [Nadia Montenegro, ina ni Ynna at dating Regal baby].”
Bilang isang boyfriend, ano lang yung limitation ng pagpapa-sexy ang kaya mong makita kay Ynna?
“Hindi ko masasabi yun, e. I mean, kung ano ang ibigay ng network kay Ynna at kung kaya naman niya or willing siyang gawin kung anong daring projects for her... siyempre, hindi mo naman puwedeng kontrahin yun, e.
“I mean, boyfriend naman ako, hindi naman ako yung manager niya. Hindi rin naman ako yung mga magulang ni Ynna para kumontra sa magiging takbo ng career niya.
“Pero ako naman, may tiwala ako kay Ynna na bigyan man siya ng mga daring na eksena or daring roles, ihahanda niya yun ng maayos.
“Kasi ganung klaseng tao si Ynna na hindi… actually, si Ynna kasi ang tipo ng babaeng ginagawa lang niya yun para sa trabaho lang talaga. I mean, walang ibang halo or ibang rason.”
No to sexy roles
Mukhang mauuna pa yata si Ynna na magpa-sexy kaysa sa iyo? Tanong namin muli kay Mark.
Napangiti muli si Mark, “Ewan ko. Siguro hindi ko lang talaga trip magpaka-daring, e. Siguro magdyi-gym man ako once in a while. Pero hindi ko target talaga na balang araw magpapakita ako ng katawan.
“Parang masyado nang maraming artista na gano'n, e. Parang kumpul-kumpol na lahat yung mga naghuhubad… may katawan, yung rumarampa sa Cosmo [Bachelor show].
“E, hindi ko naman kailangang makipagtagisan or makipagsabayan sa kanila. I have my own ways to… you know, like acting, dancing… pag binibigyan naman ako ng roles nagagawa ko naman.
“Yun bang saktong seksi lang. I mean, ayoko namang makita ang sarili kong nagpapaka-daring talaga.
“Wala lang, hindi ko talaga siya trip at hindi rin naman yun ang target ko for my career, e.”
Paano kaya kung may mag-offer sa iyo ng isang magandang project, pero sexy at required na magpakita ka ng puwet?
“Depende sa project, e,” sagot niya agad.
E, kung may kissing at bed scene sa kapwa mo male actor?
Mabilis ang naging reaksyon niya, “Ay! Hindi ko pa kaya yun! I don’t know kung makakaya ko yun? Hindi, e. Hindi ko nakikita sa sarili ko na magagawa ko yun, e.
Kahit for the sake of art and role?
Iiling-iling siyang sumagot na, “Hindi… hindi, e. Kasi may path naman akong sinusundan, e… na 'eto naman yung tinatarget kong career. 'Eto yung mga roles na gusto kong mapunta sa akin.
“So, given the chance na mapunta sa akin yung mga gano'ng roles, I don’t know kung tatanggapin ko.”
Sinasabi ng ibang expert na kapag nadaanan daw ng isang aktor ang isang very challenging role na hindi niya kayang gawin, masasabing isa na nga siyang tunay na artista.
“Gano'n ba ang basehan no'n?” nasa reaksyon ni Mark na hindi siya sumasangayon sa narinig.
“Ba't naman si John Lloyd? I mean, si John Lloyd has been acting for many years, di ba?
“Nakikita mo naman yung galing ni John Lloyd, e. Pero nagpakita ba siya ng puwet?
“Nakipaghalikan ba siya sa lalake? Hindi naman, e.
“Gusto ko ganun ang maging path ng career ko if ever— mapunta sa mga dramatic roles, or maging dramatic actor. Or minsan pag sinusuwerte, character actor or action star.
“Marami... marami namang choices dito sa showbiz, hindi naman kailangang sabayan mo lahat. Basta, kung saan ka kumportable at mahal mo yung ginagawa mo, okay na yun,” nakangiti niyang saad.
Happy with unforgettable
Kinumusta naman namin kay Mark ang kasalukuyang umi-ere niyang serye sa Kapuso network— ang Unforgettable.
Masaya niyang ibinalita na, “Okay naman, going strong yung ratings namin sa afternoon prime.
“Nakakatuwa dahil from day one up to now, sinusuportahan pa rin kami at maraming nagtatanong kung mabubuhay daw ba ako? Dapat nilang abangan yun.
“I’m very happy kasi maganda yung story ng Unforgettable. Hindi siya boring panoorin hindi dahil kasali ako sa project kundi dahil mismo sa mga characters namin.
“Yun ang maganda dun, e. Like ako, nagagamit ko yung pagiging makulit at komedyante ko. Medyo nangungulit ako, nambabatok ako na hindi nila ako nakikita,” pagtatapos niyang kuwento. — Pep.ph
source: gmanetwork.com
Thursday
Lovi Poe reveals why she doesn’t want to fall for her leading man
Mula noong natapos ang relasyon nina Lovi Poe at former Ilocos Sur First District Representative Ronald Singson, hindi pa nagkaroon muli ng karelasyon ang aktres.
Bagamat ilang aktor na ang na-link sa kanya, tulad nina Jake Cuenca at Rocco Nacino, nilinaw ni Lovi na malalapit na kaibigan lamang niya ang mga binata.
Giit pa niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, “I’m still [single], wala talaga.
“I just want to work and work lang ngayon.”
Nakausap ng PEP si Lovi sa set ng The Bride and The Lover sa Fernwood Garden sa Project 6, Quezon City.
FOCUS ON WORK. Ang pagiging single ni Lovi hanggang ngayon ay hindi naman daw dahil “na-trauma” siya sa naging relasyon nila noon ni Ronald.
Naisip niya lamang noong natapos ang kanilang relasyon na mas gusto niya munang maglaan ng pansin sa trabaho.
Dagdag pa ng aktres tungkol sa pag-ibig, “Siguro it will come naman, e, you’ll know it when that moment comes.
“I never planned it, but then siguro I’m happy like this. So hindi ko masyadong napapansin.”
IDEAL GUY. Kalaunan sa panayam ay inamin din ni Lovi na maaari ngang nag-iingat na rin siya ngayon sa relasyong kanyang papasukin.
Pero ano na ba ang hinahanap niya ngayon sa isang lalaki?
“Uhm, siguro someone funny and smart, someone who can keep the conversation going.
“Masarap kasi ‘yong nakakausap mo about many things.”
Pero bago tuluyang umalis si Lovi para maghanda sa susunod na eksenang kanyang kukunan, mayroon itong inamin sa PEP.
“Ito ha, I can’t focus,” pagtukoy niya kung bakit hindi niya hinahayaang mahulog ang loob sa kanyang mga leading men.
“Magiging conscious ako the whole time, so kunwari may times na, ‘Shocks, medyo crush ko siya,’ distance na para… siguro pagtapos na ng show.
“May times talaga, may times na may attraction talaga.” -- Joyce Jimenez, PEP.Ph
source: gmanetwork.com
Monday
Rocco Nacino enjoys 'leading lady' role in latest gay indie flick
After last year's Cinemalaya new breed entry, Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan gumanap siya bilang isang closet gay, muling mapapanood si Rocco Nacino sa isa na namang gay indie film.
This time, it's a comedy, titled I Love You, Pare Ko. Ang love interest ni Rocco dito ay si Rodjun Cruz.
"Nag-e-enjoy ako (in doing gay roles), pero, sabi ko, itong film na ito... last ko na itong pag-portray na gay.
"I don't want to be stereotyped as (onscreen) gay," sabi ni Rocco, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong January 18, sa GMA-7 studios.
But why so soon? In a matter of less than 7 months, may bagong gay movie appearance uli ang premyadong young actor.
"'Yun nga," naisip niya. "Kaya sabi ko... kasi nga, challenge siya. Parang ganun."
"Comedy (naman), tapos ibang klaseng pag-portray ko. So, sabi ko, gagawin ko, pero last na."
What if may dumating uling magandang offer, na kasing challenging.
Hindi ba niya ire-reconsider?
"It depends. But it will take time muna," sambit ni Rocco. "Hindi lang naman gay roles ang available, e."
RODJUN CRUZ's 'LEADING LADY.' Earlier, sa promo-guesting nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz sa show ni Kuya Germs (German Moreno's Walang Tulugan With The Master Showman), naging "game" naman si Rocco sa pagpapa-interview at pag-arte, bilang isang bading (gay).
Tuwang-tuwa si Kuya Germs sa dalawang bida ng bagong gay indie film
Katuwang niyang naghu-host ang young actor-protege na si Jhake Vargas at ang dalawang mainstays ng show, na sina John Nite at new female TV host, Gaby (o Gabbie) Garcia, whom Kuya Germs introduced as the daughter of character actor, Emilio Garcia.
Tinanong ni Jhake si Rocco kung sino ang leading lady ng pelikula.
"Ay, naku! Gusto ninyong malaman kung sino ang leading lady dito?
Ako!" lahad ni Rocco, sa tonong gay, much to everyone's amusement.
"Yes, kaya yun po ang title ng movie, I Love You, Pare Ko.
"Kaming dalawa po (ni Rodjun) ang bida rito. Ang leading lady ay yours truly.
"Ang peg ko dito ay parang si 'Kuya' Roderick Paulate. Maraming twists (ang kuwento)."
Sabi naman ni Rodjun, "Ito ang dapat nilang abangan, dahil ito yung pinakabagong loveteam - 'RoRo' loveteam (for Rocco and Rodjun)."
Tanong naman ni Kuya Germs: 'Paano kung may ma-in love sa iyong "boy" (o gay man)?'
"Ako? Pag may na-in love sa akin? Ahh... thank you," nangiting sabi ni Rocco.
Dagdag niya, "Character lang po yung ginawa ko. Ibig sabihin, effective talaga yung ginawa ko..."
SOFT SPOT FOR 'INDIES.' Meanwhile, masaya si Rocco Nacino sa paggawa ng indie movies, simula nang gawin niya ang nasabing Cinemalaya 2012 Filmfest entry.
"Of course, indie films have a place in my heart," aniya.
"Nagsimula ako sa ... Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (by indie writer-director, Alvin Yapan)... dahil doon, nagkaroon ako ng tatlong awards," wika rin ni Rocco.
Dalawa sa mga iyon ay ang napanalunan ni Rocco, as Best New Movie Actor at Breakthrough Performance by An Actor awards ng PMPC (Star Awards for Movies) at Enpress (Golden Screen Awards), respectively.
MAINSTREAM ARTIST. Pero bilang isang Kapuso, si Rocco Nacino, na produkto ng reality-based artista search (StarStruck, Batch5) ay nananatiling mainsteam TV-movie actor.
Kasalukuyan siyang napapanood sa pang-hapong drama series, ang Yesterday's Bride, katambal si Lovi Poe; at tuwing Linggo, bilang isa sa male co-hosts-performer sa musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas.
"After Yesterday's Bride, meron akong gagawin sa GMA Films," sabi ni Rocco.
Napag-alaman ng PEP, though unconfirmed, na ito'y may titulong My Lady Boss, a romance-comedy, na pagbibidahan diumano nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.
As to GMA's other plans, Rocco informed, "Meron akong isang project na gagawin - special ng GMA News - a mini-serye which will run for three months.
"Tungkol sa (election) campaigns natin. Maraming magaling na artista... (na kasali sa project)."
Hindi niya binanggit ang dahilan, o kung iniiwasan man niya ang pag-participate sa campaign sorties ng mga politicians, pero wala nga raw ikakampanya si Rocco sa darating na eleksiyon.
This time, it's a comedy, titled I Love You, Pare Ko. Ang love interest ni Rocco dito ay si Rodjun Cruz.
"Nag-e-enjoy ako (in doing gay roles), pero, sabi ko, itong film na ito... last ko na itong pag-portray na gay.
"I don't want to be stereotyped as (onscreen) gay," sabi ni Rocco, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong January 18, sa GMA-7 studios.
But why so soon? In a matter of less than 7 months, may bagong gay movie appearance uli ang premyadong young actor.
"'Yun nga," naisip niya. "Kaya sabi ko... kasi nga, challenge siya. Parang ganun."
"Comedy (naman), tapos ibang klaseng pag-portray ko. So, sabi ko, gagawin ko, pero last na."
What if may dumating uling magandang offer, na kasing challenging.
Hindi ba niya ire-reconsider?
"It depends. But it will take time muna," sambit ni Rocco. "Hindi lang naman gay roles ang available, e."
RODJUN CRUZ's 'LEADING LADY.' Earlier, sa promo-guesting nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz sa show ni Kuya Germs (German Moreno's Walang Tulugan With The Master Showman), naging "game" naman si Rocco sa pagpapa-interview at pag-arte, bilang isang bading (gay).
Tuwang-tuwa si Kuya Germs sa dalawang bida ng bagong gay indie film
Katuwang niyang naghu-host ang young actor-protege na si Jhake Vargas at ang dalawang mainstays ng show, na sina John Nite at new female TV host, Gaby (o Gabbie) Garcia, whom Kuya Germs introduced as the daughter of character actor, Emilio Garcia.
Tinanong ni Jhake si Rocco kung sino ang leading lady ng pelikula.
"Ay, naku! Gusto ninyong malaman kung sino ang leading lady dito?
Ako!" lahad ni Rocco, sa tonong gay, much to everyone's amusement.
"Yes, kaya yun po ang title ng movie, I Love You, Pare Ko.
"Kaming dalawa po (ni Rodjun) ang bida rito. Ang leading lady ay yours truly.
"Ang peg ko dito ay parang si 'Kuya' Roderick Paulate. Maraming twists (ang kuwento)."
Sabi naman ni Rodjun, "Ito ang dapat nilang abangan, dahil ito yung pinakabagong loveteam - 'RoRo' loveteam (for Rocco and Rodjun)."
Tanong naman ni Kuya Germs: 'Paano kung may ma-in love sa iyong "boy" (o gay man)?'
"Ako? Pag may na-in love sa akin? Ahh... thank you," nangiting sabi ni Rocco.
Dagdag niya, "Character lang po yung ginawa ko. Ibig sabihin, effective talaga yung ginawa ko..."
SOFT SPOT FOR 'INDIES.' Meanwhile, masaya si Rocco Nacino sa paggawa ng indie movies, simula nang gawin niya ang nasabing Cinemalaya 2012 Filmfest entry.
"Of course, indie films have a place in my heart," aniya.
"Nagsimula ako sa ... Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (by indie writer-director, Alvin Yapan)... dahil doon, nagkaroon ako ng tatlong awards," wika rin ni Rocco.
Dalawa sa mga iyon ay ang napanalunan ni Rocco, as Best New Movie Actor at Breakthrough Performance by An Actor awards ng PMPC (Star Awards for Movies) at Enpress (Golden Screen Awards), respectively.
MAINSTREAM ARTIST. Pero bilang isang Kapuso, si Rocco Nacino, na produkto ng reality-based artista search (StarStruck, Batch5) ay nananatiling mainsteam TV-movie actor.
Kasalukuyan siyang napapanood sa pang-hapong drama series, ang Yesterday's Bride, katambal si Lovi Poe; at tuwing Linggo, bilang isa sa male co-hosts-performer sa musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas.
"After Yesterday's Bride, meron akong gagawin sa GMA Films," sabi ni Rocco.
Napag-alaman ng PEP, though unconfirmed, na ito'y may titulong My Lady Boss, a romance-comedy, na pagbibidahan diumano nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.
As to GMA's other plans, Rocco informed, "Meron akong isang project na gagawin - special ng GMA News - a mini-serye which will run for three months.
"Tungkol sa (election) campaigns natin. Maraming magaling na artista... (na kasali sa project)."
Hindi niya binanggit ang dahilan, o kung iniiwasan man niya ang pag-participate sa campaign sorties ng mga politicians, pero wala nga raw ikakampanya si Rocco sa darating na eleksiyon.
"Wala," pagtukoy niya. "Dun sa project na gagawin ko, bawal akong mag-kampanya, so yun ang tinanggap ko." — William R. Reyes, PEP.ph
source: gmanetwork.com
Friday
Jeric Gonzales believes 'star factor' is his edge over other Protégé contestants
Masuwerte si Jeric Gonzales dahil isa pa rin siya sa walong protégés na patuloy pang napapanood at lumalaban sa Protégé: The Battle for the Big Break.
Sa gala night ng talent search na ito ng GMA-7 noong Linggo, September 23, si Shelly Hipolito ang natanggal.
Limang lalaki at tatlong babae na lang ang natitira sa kumpetisyon.
Kasama ni Jeric sa hanay ng mga lalaki sina Mikoy Morales, Japs de Luna, Bryan Benedict, at Ruru Madrid. Ang mga natitirang babaeng contestants ay sina Elle Ramirez, Thea Tolentino, at Zandra Summer.
Si Jeric ay isa sa orihinal na protégés ni Gina Alajar mula sa Southern Luzon, pero ngayon ay si Jolina Magdangal ng Visayas na ang mentor niya.
Nangyari ito nang hindi pinili ni Gina si Jeric sa mga natitirang protégés niya, at si Jolina naman ang pumili sa kanya sa mga binitawang protégés.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric kung ano ang naramdaman niya nang hindi siya ang piniling protégé ni Direk Gina.
“Yung feeling ko po noong mawala ako kay Direk Gina, nalungkot po, kasi siyempre siya po ang kumuha sa amin from the start.
"Hanggang half ng competition, siya po yung nagsalba sa amin sa lahat ng mga gala. Siya ang nagbigay ng mga advice.
“Pero noong in-explain niya po sa amin ang dahilan kung bakit niya pinili si Thea, naintindihan naman po namin at tinanggap naman po namin."
WHY HER? Bakit daw si Thea ang pinili ni Direk Gina?
“Si Thea raw po... parang kay Thea niya raw po mararamdaman na siya ang nag-mold kay Thea.
“Kasi, bata pa raw po, maga-guide niya po. Siya po talaga ang may gawa at mararamdaman daw po niya.
“Although kami raw po, buong-buo na raw po. Hindi na raw niya po kami mamu-mold."
Paanong nasabi ni Direk Gina na "buong-buo" na siya?
“Sa age po siguro—I’m twenty na po compared po siguro kay Thea na fourteen."
Graduate ng Nursing si Jeric. Bago ang lahat sa kanya sa showbiz dahil wala pa siyang anumang experience dito bago pumasok ng Protégé.
JOLINA’S PROTÉGÉ. Kinumusta rin ng PEP kay Jeric ang bagong mentor niyang si Jolina.
“Sobra pong masaya kasi kaming dalawa po ni Arny Ross ang natira," pagtukoy ni Jeric sa pilian ng mga binitawang protégés.
“Parang nag-self-pity po ako noon kasi, feeling ko, parang walang gustong kumuha sa akin.
“Kaya noong kinuha po ako ni Ate Jolens, naging masaya ako.
“Everytime po na magkasama kami ni Mikoy at saka ni Ate Jolens, para po kaming magka-tropa, para naming ate.
“At the same time po, tinuturuan niya kami at marami siyang ibinibigay na advice para sa competition."
MOST POPULAR. Base sa mga feedback, sinasabing si Jeric ang may pinakamalakas na recall sa mga lalaking contestants.
Mapapansin daw ito sa mga mall shows ng Protégé kunsaan mas marami ang nakakakilala at tumitili kay Jeric.
Sabi naman ni Jeric tungkol dito, “Masaya po ako kasi, sa sarili ko naman po, ginagawa ko naman po ang lahat.
“Siguro po, blessed lang po na umabot sa ganitong part at para po sa kanila, sa pamilya ko rin po."
Sa palagay niya, ano ang meron sa kanya at siya ang “matunog" among the male protégés?
“Siguro po, naramdaman ko po yun noong matanggal si David Llamas.
“Noong mag-partner po kami ni David, sinabi niya po na, ‘Ang guwapo mo kasi, duds. Lamang pa rin ang star factor mo kumpara sa akin.’
“Hindi ko po alam yun kasi wala namang nagsasabi nun, si Ms. Annette lang po."
Si Annette Gozon-Abrogar ang isa sa mga judges ng Protégé, kasama sina Bert de Leon, Cherie Gil, at Joey de Leon.
Confident ba si Jeric na hindi siya matatanggal at makakaabot siya ng finals?
“Hindi naman po confident, positive lang po na dapat hindi matanggal.
“Pero kinakabahan din po. Wala naman pong makakapagsabi kung sino po talaga."
FULL SUPPORT. Si Louise delos Reyes ang naging kapareha ni Jeric nang mag-perform siya noong Linggo sa gala performance night.
Natutuwa si Jeric dahil supportive si Louise sa kanya, maging ang ina nito at pati na ng rumored boyfriend ng young actress na si Enzo Pineda.
Kuwento ni Jeric, “Noong nag-rehearse po kami, nag-usap na po kami.
"Sabi niya, ‘Huwag kang mahiya sa akin. Tingnan mo ako sa mata, landiin mo ako kung gusto mo.’
“Pati po ang nanay niya, sabi, ‘Habulin mo siya para may communication talaga ang performance.’
“Tapos pati po si Enzo, nandoon po siya. Sabi po ng nanay, ‘Okay lang naman Enzo, di ba?’
“Sabi naman po ni Enzo, ‘Oo, okay lang ‘yan, performance lang naman.’"
Hindi ba siya naiilang kay Enzo?
“Hindi naman po, naka-focus naman po ako sa performance namin!" natatawang sabi ni Jeric.
Sa huli, tinanong ng PEP si Jeric kung sino sa apat pang lalaking protégés na natitira ang posibleng maging mahigpit niyang kalaban sa Top 2?
“Si Mikoy po," mabilis niyang sagot.
“Kasi po, ang dami na po niyang nagagawa at consistent po siya na every gala, magaganda po ang ginagawa niya.
“At overall, nakakasayaw siya, nakaka-acting siya.
"Matalino rin po, at the same time, fluent sa English.
“At masasabi ko po, doon niya po siguro ko matatalo. Pero, matatalo ko rin naman po siya sa ibang bagay."
Sa ngayon, sa pagkanta raw nag-e-excel si Jeric. -- Rose Garcia, PEP
source: gmanetwork.com
Alessandra de Rossi on the elusive Best Actress trophy: 'Ang market ko, wala rito, nandoon sa abroad.'
“Wala akong ine-expect."
Ito ang kaswal at diretsong sagot ni Alessandra de Rossi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 35th Gawad Urian noong Miyerkules, June 13, sa AFP Theater, Camp Crame, Quezon City.
Nominado si Alex sa kategoryang Best Actress para sa pagganap niya sa pelikulang Ka Oryang.
Naka-red long gown si Alessandra na gawa raw ng designer na si Oliver Tolentino.
May kuwento rin daw ang suot niyang gown.
Ayon kay Alessandra, “Kasi ang gown na ito, hiniram ko last year pa kay Oliver Tolentino.
“E, hindi ganoon ka-formal ang awards night. So, parang sabi ko, ‘Ay, baka naman mangangain lang ang gown ko do’n ng utaw [tao], e, huwag na.’
“E, as of two weeks ago, pinapasoli na ang gown.
"Sabi ko, ‘Wit, wit, wit! I know, one year na siya sa akin, pero hindi ko pa siya nagagamit.
“’O sige na nga, susuutin ko na siya sa Urian para puwede ko na siyang isoli.’"
Pabirong napaupo naman sa sahig si Alessandra nang sabihin ng PEP na wala namang ibinibigay na Star of the Night award ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
“Ano?! Walang Star of the Night at saka gift pack from Belo?" biro pa niya.
Pero dagdag niya, “I’m sure, sa dami ng nominasyon ng dalawang pelikula ko. I’m sure, makakaakyat ako sa stage na ‘yan to display my gown na one year ko ‘tinago."
Dalawa ang pelikula niyang nominado for Best Picture sa Gawad Urian ngayong taon—Busong at Ka Oryang.
Kaya sabi ni Alessandra, "I need to be here. I have to be here.
"Ako lang yata ang artistang dalawa ang pelikula."
NOMINEE FOREVER, NEVER A WINNER? Pero medyo nag-iba ng timpla ang aktres nang madako ang usapan sa kung sa tingin ba niya ay maiuuwi niya ang tropeyo bilang Best Actress.
“I don’t think mananalo ako," sabi niya.
Parang ang negative naman agad ng nasa isip niya?
“Hindi naman. Never naman akong nanalo. So, what’s the point?" sabi niya.
At "nagdilang-anghel" nga si Alessandra dahil ang nanalo ay si Maja Salvador para sa pagganap niya sa Thelma.
Ganun pa man, si Alessandra ay itinuturing na isa sa pinakamahusay umarte sa kanyang henerasyon.
Madalas nga siyang maging nominado sa mga ginagawa niyang pelikula. Madalas din ay nabibigyan siya ng rekognisyon sa film festivals abroad.
RIGHT CHOICES. Ilang araw bago ang Gawad Urian ay nakausap ng PEP si Alessandra tungkol sa kanyang nominasyon.
“Feeling ko? Masaya ako kasi alam ko na from the start, tama ang mga proyektong pinipili ko.
“Lahat ng projects na meron ako, nakakarating abroad.
"As in, hindi lang once. Halos lahat ng film festivals, nagta-travel sila," pagtukoy niya sa kanyang mga pelikula.
Dagdag niya, “Suwerte ang pakiramdam ko. At the same time, I thank myself for making the right choices."
Hindi raw siya napapagod sa paggawa ng indie films.
Aniya, “Basta may saysay.
“Marami rin naman akong tinatanggihan. In fairness to me, nakaapat na tanggi na nga ako ng pelikula this year."
HER NEW INDIE FILMS. May katatapos lang din daw siyang isa pang indie film para sa Cinemalaya—ang Santa Niña kasama si Coco Martin.
May gagawin din daw siyang Baybayin kasama naman ang kapatid niyang si Assunta de Rossi na magsisilbing prequel ng Busong.
Ano ang nararamdaman niya na sa dami ng nominasyon niya noon pa man, madalas ay hindi siya ang nananalo?
“I don’t care. Wala… kasi after a while naman, you’re numb na.
"Kahit naman yung mga first time na natalo ako, hindi naman ako nalulungkot.
“Fifteen years? Hello!" pagtukoy ng aktres sa inilagi na niya sa industriya.
"At saka, in fairness to me, hindi rin naman ako nahe-hurt noon kasi noong mga very first few years na nano-nominate ako, ang lagi kong kalaban—Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, and Alessandra de Rossi," sabay banggit ng kanyang pangalan bilang kahilera ng mga magagaling na aktres na nakakasama niya sa nominasyon.
“So, paano naman sasama ang loob mo kung matalo ka? Di ba, parang ang labo naman noon?
“Siguro, nasanay rin ako na ganoon. A-attend ka lang to present then pagka-announce ng Best Actress, uwian na. Alam mo na yun."
UNAPPRECIATED LOCALLY? Sa kabilang banda, hindi ba nagiging negatibo ang epekto noon sa kanya sa halip na mas ma-inspire sana siya kung nakakasungkit siya ng award?
“Hindi ako ganoon kasi, I give my best," sabi ni Alex.
“And like I’ve said, ang market ko, wala rito, nandoon sa abroad.
"So, ano ang magagawa ko kung dito laos ang beauty ko, pero doon, winner, di ba?"
Sa lovelife niya, pang-international din ba?
“Sabi nila, parang! Pero hindi pa ako naa-attract sa foreigner.
"Sana Pinoy pa rin, pero dapat daw hindi.
“So, we’ll see. We can never tell. Kasi, sa strong ng ugali ko."
NEXT KAPUSO PROJECT? Ano ang susunod niyang project sa GMA-7 pagkatapos ng Legacy?
“Wala…waiting in vain!" biro niya.
Hirit din ni Alex, “Kahit naman hindi pa ngayon kasi ang yaman-yaman ko pa naman. So, okay lang sa akin.
“Mga two months puwede pa akong magpahinga.
"Two shows lang naman ang ipinangako sa akin ng GMA.
“Nabigay naman nila ang two shows in a year so dalawa na lang.
"Then after that, kung may renewal, go! Kung wala, e, di go away! Charos!" -- Rose Garcia, PEP
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)







