Showing posts with label Kapuso Actress. Show all posts
Showing posts with label Kapuso Actress. Show all posts

Thursday

Solenn Heussaff reveals why she finally agreed to work with ex-bf Derek Ramsay


Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang Love is Blind, mula sa Regal Entertainment, kung saan magkasama ang dating magkasintahang sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay.

Inamin ni Solenn na hindi naging madali ang pagsasama nila ni Derek sa isang project.

Saad ng Kapuso actress, “Noong pumasok ako sa showbiz, kahit ang tagal na naming hiwalay, palaging 'yun ang tanong. All the interviews, palaging sa kanya; sabi ko, ‘Puwede ba, this is my first time in showbiz. And years na 'yung breakup dati, so bakit kailangang pag-usapan?’"

“Ayokong magkatrabaho sa kanya kasi kapag may work, 'yun ang magiging tanong din.”

Bakit siya napapayag ngayon?

Paliwanag ni Solenn, “E, kasi, nine years na, sana naman naka-move on na ang mga tao. At least now, it’s good enough na nagkaroon na rin ako ng mark sa industriya, so okey lang naman din.”

First love

Awkward daw sila ni Derek sa unang araw ng shooting nila.

Ayon kay Solenn, “Awkward in a sense na I haven’t seen him in awhile. Kahit na we’re in the same industry, we never bumped into each other.

Nakaramdam din ba si Solenn ng pagkailang ni Derek sa kanya?

“No, as in first day lang 'yung awkward, 'yung second day, as if super parang walang nangyari sa nine years. Parang hindi namin kailangang mag-catch up na it’s a long time."

“Catching up lang, kasi ako dati, ayoko talaga sa showbiz. Sabi niya, ‘Bakit ka nag-change ng mind,’ catch up, catch up lang. And siyempre naman, he will always be a part of my life. First love ko siya, he’ll always be in my memory."

May mga pagbabago ba siyang nakita kay Derek?

“Same old Derek, same guy. He hasn’t changed kahit na successful siya, mabait siya. And, actually, nagulat ako sa galing niya sa pag-arte; sabi ko, ‘Galing mo, ha.’”

“Siyempre naman guwapo siya, attractive pa rin siya hanggang ngayon,” sagot ni Solenn.

Hindi naman daw nakakaramdam ng anumang selos ang fiancé ni Solenn na si Nico Bolzico sa muling pagsasama nila ng ex-boyfriend sa pelikula.

Aniya, “Si Nico, okey naman siya. Siyempre I asked him just to be sure, out of respect. Sabi niya, kung ready ako, okey lang sa kanya. So he’s very, very supportive."

Walang selos?

“Wala. Kung meron, baka he’s not showing it, he’s not the type. Kapag nasa work ako, nasa work ako; siya rin. Hindi kami nag-uusap tungkol sa trabaho. Alam niya lang na today, Marimar taping, pero 'yung details, hindi niya alam." —PEP

For the full story, visit PEP.

source: gmanetwork.com

Friday

Jackie Rice not choosy about roles


Unlike her previous roles in Sisid and Kasalanan Bang Ibigin Ka?, sexy Kapuso actress Jackie Rice will be playing a supporting role in the upcoming series Innamorata. The latest Afternoon Prime offering of the Kapuso network is headlined by Max Collins, who will play the role of Esperanza, with Jackie being Esperanza's stepsister Gina.

In an interview during the show's story conference, Jackie made it clear that she is not choosy when it comes to her roles. She says she'd rather keep herself busy with work instead of waiting for a lead role.

"Actually nung kinakausap nila ako kung ano ang gusto ko, ang gusto ko trabaho lang. Walang bida or kontrabida or support. Basta work, okay ako," she shared.

Mas mahalaga daw para kay Jackie na maganda at challenging ang roles na natatanggap niya. "Mas hindi ako sa fame eh. Mas gusto ko 'yung challenging, 'yung nakikilala ang character ko every time may pino-portray ako."

Here in Innamorata, Jackie is an aspiring model who will do anything and everything to get what she wants. "Gusto kong sumikat, yumaman, lahat na. Aagawin ko rin ang mahal niya [Esperanza] kasi may gusto rin ako sa love niya."

Esperanza's love interest will be played by Kapuso actor Luis Alandy.

Hindi naman first time ni Jackie na maging model sa isang soap, pero pinaghahanadaan pa rin daw niya ito nang husto. Aside from attending a series of workshops that begins this week, she is planning to go on a shopping spree for her character's wardrobe.

Innamorata begins this February on GMA Afternoon Prime. In the meantime, catch Jackie Rice in Bubble Gang every Friday after Kapuso Primetime Cinema. For the latest news on Jackie and other Kapuso stars, visit www.GMANetwork.com. -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com

source: gmanetwork.com

Saturday

Bubbles Paraiso admits relationship with businessman Atticus King


Kinumpirma ng Kapuso actress na si Bubbles Paraiso na boyfriend na niya ang businessman na si Atticus King.

“Oo. Bago lang," sagot ni Bubbles nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk TX kung may relasyon na sila ni Atticus.

Ang panayam ay naganap noong February 28 sa launch ng bagong produkto ng Nivea Sun sa Sheridan Beach Resort and Spa, Sabang Beach, Puerto Princesa, Palawan.


Naging kilala na rin sa showbiz si Atticus dahil sa pagkakaroon niya noon ng relasyon sa actress-TV host na si Iza Calzado.

Gayunman, ayon kay Bubbles, hindi pa rin daw sanay si Atticus sa extra attention na nakukuha ng mga celebrity.

“He's a very private person," paliwanag ni Bubbles.

“Actually we forgot nga during the Magnum event.

“It was Raymond's [Gutierrez] event so inisip namin to support a friend.

“'Tapos pagpasok namin, nandoon lahat ng camera, parang medyo na-overwhelm siya.

“Niloko niya ako na parang nabulag na raw siya sa mga flash.

“Sabi ko, 'Sorry, I forgot that this is a showbiz event.'

“Okay lang naman sa kanya as long as it's once in a while.

“Natutuwa naman siya.

“Hindi siya parang wala lang, pero hindi naman siya masyadong big deal."

Kamakailan lang, sa isang event ng Belo, Medical Clinic, namataan sina Bubbles at Atticus. Nagkataong nasa event ding iyon ang ex-girlfriend ni Atticus na si Iza, na kasama naman ang kanyang kasalukuyang boyfriend.

Bagamat nagkita-kita sila, hindi naman daw nagkaroon ng ilangan sa bawat isa.

Ayon kay Bubbles, “Kasi it's been two years, di ba?

“Pero isa si Iza sa mga unang nakaalam kasi friends-friends sila, e.

“He was so surprised na nagka-work pa nga kami before.

“Noong Belo event may mga pictures kami na magkakasama."

Nilinaw pang muli ni Bubbles na walang problema sa pagitan nila ni Iza.

“Baka iniisip ng mga tao na ang awkward, but it's not.

“They're both mature enough na wala na 'yon," paglinaw niya.

“NOT FRIENDS" WITH MAXENE. Samantala, sa panayam na ito, itinanong din namin si Bubbles kung nagkaayos na sila ng dati njyang kaibigang si Maxene Magalona.

“Hindi. Sino siya?" pabirong sagot ni Bubbles.

Matatandaan na lumabas ang balitang alitan sa pagitan ni Bubbles at Maxene nang mabigyan ng ibang kulay ang pagiging malapit ng una sa ex-boyfriend ng huli na si Neil Arce.

Pero ayon kay Bubbles, noon pa man daw ay malapit na siya talaga sa ex-boyfriend ni Maxene. Dagdag pa niya, “Neil kasi is my guy best friend until now."

Kaya naman hindi umano alam ni Bubbles kung bakit galit sa kanya si Maxene.

“I thought we were friends," sabi niya.

“Hindi ko alam kung anong galit niya sa akin. Si Neil na mismo ang nagsasabi, 'I don't know.'"

Sa parte ni Bubbles, sinubukan naman daw niyang maayos ang relasyon nila ni Maxene.

Aniya, “I fixed it for a long time since she was Neil's girlfriend.

“Pero after they broke up and I found out all the things... basta kung anu-ano ang mga nangyari, ang hirap, e... so, no na lang.

“I have a lot of friends who love me, so doon na lang ako sa kanila."

Base naman sa mga sagot ni Bubbles, tila hininto na niya ang paggawa ng paraan para maayos ito.

Para sa kanya, "Siguro for peace and harmony's sake, it's better that we just don't talk.

“Why would we say hi to each other if we're not okay?

“Why would we make beso if we're not okay?

“So, for peace and harmoy's sake, kapag nandiyan siya, e, di nandiyan siya.

“Hindi kami magpapansinan kasi hindi ako plastic na tao."

Inamin rin niya na simula ng kanilang di pagkakaunawaan, nag-iiwasan na lamang sila kung magkita-kita sa mga event.

Nakangiting sabi pa niya, “Kapag nagkikita kami, parang hindi kami nagkikita.

“Ang lalaki naman ng mga events so pwede namang mag-iwasan.

“Happy ako, happy siya, happy kaming lahat."

NO MORE ILL FEELINGS. Bagamat hindi na sila nagkakaayos, nilinaw naman ni Bubbles na malapit pa rin siya sa mga kapatid ni Maxene.

Kwento niya, “I'm okay with her family.

“I still see Frank around. I still say hi to Elmo.

“I'm still friends with them. They understand naman din."

Gayunpaman, kahit hindi pa natutuldukan ang kanilang di pagkakaunawaan, siniguro naman ni Bubbles na wala na siyang sama ng loob kay Maxene.

Sa huli, sinabi pa niya, “Actually, I have no ill feelings towards her anymore.

“Parang... sige, whatever happened in the past that's in the past.

“I don't hate her but I'm also not friends with her." -- Nerisa Almo, PEP

source: gmanetwork.com