Showing posts with label Lola Babah. Show all posts
Showing posts with label Lola Babah. Show all posts
Saturday
Lola Babah, boto na rin kay Yaya Dub para kay Alden
Nagdiwang ang AlDub nation nitong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga nang magbago ang isip ni Lola Babah at hayaan na ang apong si Alden na manatili sa piling ni Yaya Dub sa halip na piliting ipakasal kay Cindy the Russian model.
source: gmanetwork.com
Wednesday
Get to know Russian model Alina Bogdanova, Kalyeserye's Cindy Kournikova
Nakuha ng Russian model na si Cindy Kournikova ang atensyon ng AlDub Nation at lahat ng mga tumutok sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga nitong Martes.
Si Cindy ang inirereto ni Lola Babah sa kaniyang apong si Alden, at siya rin ang magiging karibal ni Yaya Dub sa puso ng Pambansang Bae. Sa katunayan, nais na ni Lola Babah na mag-date ang dalawa upang magkakilala sila nang mabuti.
Marami man ang kinabahan para sa forever ng AlDub, marami rin ang hindi itinanggi ang kanilang paghanga sa kagandagan ni Cindy, na napag-alamang Alina Bogdanova ang tunay na pangalan.
Si Alina ay totoong Russian model, at tatlong taon na siyang nananatili sa Asya bilang bahagi ng kaniyang modelling career.
Ilan pa sa mga bansang kaniyang napuntan ay ang China, Istanbul, at Indonesia.
Hindi rin dapat mangamba ang mga AlDub Nation o MaiDen supporters, dahil sa totoong buhay mayroon nang kasintahan si Alina na isang Filipino model.
source: gmanetwork.com
Friday
Lola Nidora, may ibinunyag na sekreto tungkol sa mansyon
Isang araw bago ang kaniyang kaarawan, wala pa rin sa mood mag-celebrate si Lola Nidora.
Nitong Biyernes sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, may mga ibinunyag ang matanda tungkol sa kaniyang kalagayang-pinansyal.
Mayroon daw dalawang malaking problema ang matanda.
Una, nakasangla ang kaniyang mga alahas ang kaniyang mga alahas.
Pangalawa, nakasangla rin ang kaniyang mansyon.
At ang katauhan ng mga pinagsanglaan: si Doña Barbara Latisha Rockefeller vda. de Faulkerson — o ang Lola Babah ni Alden.
Dati nang nasilayan ang mansyon ni Lola Nidora nang dumalaw si Alden kay Yaya Dub.
Sa totoong buhay, isa itong heritage mansion na idinisenyo ng isang national artist at minsan pang binisita ng ilang pangulo ng bansa.
source: gmanetwork.com
Wednesday
Makasundo kaya ni Lola Babah si Lola Nidora?
Ano kaya ang mangyayari sa AlDub love saga sa kalyeserye sa pagdating ng lola ni Alden na si Doña Barbara Latisha Rockefeller Vda de Faulkerson, or in short-- Lola Babah? Makasundo kaya niya si Lola Nidora?
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)




