Showing posts with label Sunday Pinasaya. Show all posts
Showing posts with label Sunday Pinasaya. Show all posts

Monday

Maine apologizes to Julie Anne backstage at Sunday Pinasaya


Kung napuno ng kasiyahan at kilig ang stage ng Sunday Pinasaya ngayong araw, December 13, lingid sa kaalaman ng marami ay mayroon palang naganap na iyakan sa backstage.

Ito ay dahil sa paghaharap nina Julie Anne San Jose at Maine Mendoza sa dressing room.

Si Julie Anne ay mainstay sa naturang comedy-musical program ng GMA Network, habang si Maine naman ay special guest ngayong araw.

Kabilang din sa Sunday Pinasaya ang ka-loveteam ni Maine at kalahati ng AlDub na si Alden Richards.

Ayon sa tweet ng isa pa sa mga mainstay ng programa na si Gladys Guevarra, nilapitan at niyakap daw ni Maine si Julie Anne.

Humingi rin daw ng paumanhin si Maine sa singer-actress.


Clueless ako, i swear. So nice of @mainedcm napaka humble, i just saw her hugging @MyJaps ???? apologizing si Yaya Dub. Ano meron??????

— gladys guevarra (@igladysguevarra) December 13, 2015



Nakita rin diumano ni Gladys na umiyak si Julie Anne.

 Bebe @MyJaps crying ???? Smile ka na ????

— gladys guevarra (@igladysguevarra) December 13, 2015





Pero "clueless" daw si Gladys kung ano dahilan ng nasaksihan niyang eksena.

Para sa mga hindi nakakaalam, hindi sinasadyang nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Julie Anne at nina Maine at Alden dahil sa hindi pagkakaunawaan na nagsimula sa Twitter noong December 7, Lunes.

Isang Twitter follower ng direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre ang nagtanong kung ang girlfriend ba ni Alden sa tunay na buhay ay si Julie Anne.

Sinagot ito ng direktor ng "yup."

Ngunit sa pakikipag-usap ng entertainment columnist na si Allan Diones kay Direk Rich, sa pamamagitan ng text, ipinaliwanag nitong inaantok pa raw siya nang mabasa ang nasabing tweet ng fan.

Ang basa raw kasi niya noong una ay "friend" sa halip na "girlfriend" kaya sumagot siya ng "yup."

Nang ma-realize niyang mali ang kanyang pagkakabasa at ang naging sagot ay agad daw niya itong binura.

Pero kumalat na raw ito agad sa social media at umusok na ang galit ng AlDub Nation.

Dahil sa gulong naidulot ng kanyang pagkakamli ay humingi ng paumanhin si Direk Rich kina Maine, Alden, at pati na sa AlDub Nation.

Nadawit din sa galit ng AlDub fans si Julie Anne, na inulan ng batikos sa social media kahit wala naman siyang direktang kinalaman sa isyu.

Kaya sa pagkikita nina Maine at Julie Anne kanina sa studio ng Sunday Pinasaya, si Maine na mismo ang lumapit kay Julie Anne upang humingi ng dispensa kung anuman ang mga masasakit na salitang nakarating sa kanya.

Hindi naman nabanggit ni Gladys sa kanyang tweet kung naroon din si Alden nang magyakapan sina Maine at Julie Anne.

Wala rin daw kumuha ng litrato ng naganap na eksena bilang respeto na rin sa dalawa. —PEP

For the full story, visit PEP.

source: gmanetwork.com

Wednesday

Maine Mendoza expresses concern about Alden Richards’ health


Halata ang pag-aalala ni Maine Mendoza para sa kalusugan ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Sa Eat Bulaga! kahapon ng tanghali, October 5, ay ipinarating ni Maine ang kanyang concern para kay Alden sa pamamagitan ng fan sign na ito: "Pahinga ka pag may time."

Ito rin ang isinulat ni Maine sa wall ng Broadway studio kung saan sila nagpapalitan ng mensahe ni Alden.

Sa Twitter account naman ni Maine ay nagpaabot din siya ng mensahe, bagamat wala siyang direktang tinukoy kung para kanino ito:


Alam marahil ni Maine kung gaano ka-hectic ang schedule ni Alden ngayon.

Araw-araw kasi, seven days a week, ay mayroon siyang noontime show.

Maliban sa Eat Bulaga, kung saan magkasama sila, ay kasama rin si Alden sa Sunday noontime show ng GMA Network na Sunday Pinasaya.

Sunud-sunod din ang mall shows ng 23-year-old actor-TV host.

Nito nga lang Biyernes, October 2, pagkatapos ng Eat Bulaga! ay dumiretso siya sa airport para sa biyahe niya patungong Cebu, kung saan nagkaroon siya ng Kapuso Fans' Day sa Gaisano Mall.

Na-delay pa ang flight niya pabalik kaya madaling-araw na ng Sabado, October 3, siya nakarating sa Manila.

Ilang oras lamang ang tulog niya ay dumiretso na siya sa Broadway studio para sa live airing ng Eat Bulaga.

Pagkatapos nito ay nag-rehearsal naman siya para sa Sunday Pinasaya, kung saan mayroon siyang bagong segment na "DJ Bae."

Sa live airing ng Sunday Pinasaya noong Linggo, October 4, ay halatang masama ang pakiramdam ni Alden dahil sa kanyang sipon. —PEP

For the full story, visit PEP.

source: gmanetwork.com