Showing posts with label Georgina Wilson. Show all posts
Showing posts with label Georgina Wilson. Show all posts

Saturday

Why Georgina Wilson is crazy for Maine Mendoza


 Kabilang ang model na si Georgina Wilson sa manghang-mangha sa galing ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa pagda-Dubsmash.

Sa katunayan, noong September ay nag-tweet pa si Georgina tungkol sa pagkahumaling niya sa videos ng tinaguriang Dubsmash Queen.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Filipino-British model sa press launch ng Hershey's nitong Huwebes, November 27, tinanong namin kung bakit na-obsess siya kay Maine.

Pahayag ni Georgina, “The funny thing was I had no idea what it was at all, and then they showed me her dubsmashes of Kris Aquino and I found it so funny.

"I kept watching. Ang galing niya talaga.

“I think it’s a phenomenon.

"I’ve been reading, reading about it and seeing it on BBC, it’s something that after a while everyone just knows."

Sabi pa ni Georgina, hindi man niya nauunawaan nang lubos ang videos ni Maine ay natatawa pa rin siya.

“I don’t understand exactly but I just love her videos.

"I don’t understand the rest of it, but I think her videos are so funny.

"That’s really it."

Bilang isang “It Girl,” natanong kay Georgina kung ano sa tingin niya ang appeal ni Maine.

Sagot niya, “I just find her like very approachable, I just found her really funny.

“I didn’t think about it so much.

"I kept watching the video and we were having dinner and I just kept watching and watching."

Sinusundan ba niya si Maine sa social media?

“I follow her Instagram because Liz [Uy] is her stylist,” tukoy niya sa kaibigang celebrity stylist.

Ayon pa kay Georgina, isang patunay si Maine sa husay ng mga Pilipino upang mapansin sa buong mundo.

“It just shows you how we’re really trendsetters in global records, like Twitter, like social media.

"We always outdo the worldwide records, ganun kalakas tayo."

Sa ngayon, ang AlDub (Alden Richards at Yay Dub) ang may hawak ng world record ng may pinakamaraming tweets sa Twitter, dahil sa 41 million tweets ng hashtag na #AlDubEBTamangPanahon na ginamit sa Tamang Panahon concert noong October 24. —PEP

For the full story, visit PEP.

source: gmanetwork.com

Wednesday

Post ni Georgina Wilson sa Twitter, ikinakilig ni Maine Mendoza


Hindi na nga matawaran ang dami ng sumusubaybay sa phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bihira na ang nakakaligtas sa AlDub fever, at maging ang isa sa mga tinaguriang 'It girl' na si Georgina Wilson ay aminadong fan rin ni Yaya Dub.

Pinapanood daw ni Georgina ang Dubsmash videos ng dalaga, kung saan unang nakilala ito ng netizens.

Ayon kay Georgina, “Never thought I'd be saying this but I'm OBSESSED with @mainedcm yaya dubs videos!!!! They are so hilarious!!!! Especially the Kris A ones!!”

Hindi naman napigilan ni Maine ang kilig nang mabasa niya ang pagpuri na ito mula sa TV personality at model.

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

source: gmanetwork.com

Georgina Wilson clarifies tweet about Erap Estrada; apologizes to the former President's family


Isang linggo pagkatapos pumutok ang kontrobersiya tungkol sa patutsada diumano niya kay former President at currently Manila Mayor-elect Joseph "Erap" Estrada sa Twitter, nagsalita na ang model-host na si Georgina Wilson upang linawin ang isyu.

Sa email na ipinadala ni Georgina—sa pamamagitan ng kanyang manager na si Shirley Kwan—kay PEP managing editor Karen Pagsolingan ngayong gabi, May 22, sinabi nitong luma na ang tweet niya tungkol kay Erap at wala raw itong kinalaman sa katatapos na eleksyon.

Sabi ni Georgina, "I would like to clarify the details of a tweet I posted regarding former President Joseph Ejercito Estrada.

"The tweet was written 4 years ago in 2009 at a time when I was still studying at University in Australia.

"It is in no way connected to the recently concluded elections.

"The original post is still in my twitter timeline."

Sa screen shot na ipinadala sa PEP, kasama ng statement ni Georgina, makikita na "21 Oct 09" (October 21, 2009) ang petsa ng tweet niyang ito:

“ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Georgina sa pamilya ni dating Pangulong Estrada na nasaktan daw dahil sa kanyang mga salita.

Matatandaang nag-react ang mga anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez, sina Jake at Jerika Ejercito, nang makarating sa kanila ang tweet na ito ni Georgina na lumabas noong May 14.

Sabi pa ni Georgina sa kanyang statement sa PEP, "I fully understand the responsibilities that come with being part of this industry.

"I know my words were insensitive and hurtful but I feel it is not fair that it has been taken out of context." -- Erwin Santiago, PEP

source: gmanetwork.com