Saturday
Why Georgina Wilson is crazy for Maine Mendoza
Kabilang ang model na si Georgina Wilson sa manghang-mangha sa galing ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa pagda-Dubsmash.
Sa katunayan, noong September ay nag-tweet pa si Georgina tungkol sa pagkahumaling niya sa videos ng tinaguriang Dubsmash Queen.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Filipino-British model sa press launch ng Hershey's nitong Huwebes, November 27, tinanong namin kung bakit na-obsess siya kay Maine.
Pahayag ni Georgina, “The funny thing was I had no idea what it was at all, and then they showed me her dubsmashes of Kris Aquino and I found it so funny.
"I kept watching. Ang galing niya talaga.
“I think it’s a phenomenon.
"I’ve been reading, reading about it and seeing it on BBC, it’s something that after a while everyone just knows."
Sabi pa ni Georgina, hindi man niya nauunawaan nang lubos ang videos ni Maine ay natatawa pa rin siya.
“I don’t understand exactly but I just love her videos.
"I don’t understand the rest of it, but I think her videos are so funny.
"That’s really it."
Bilang isang “It Girl,” natanong kay Georgina kung ano sa tingin niya ang appeal ni Maine.
Sagot niya, “I just find her like very approachable, I just found her really funny.
“I didn’t think about it so much.
"I kept watching the video and we were having dinner and I just kept watching and watching."
Sinusundan ba niya si Maine sa social media?
“I follow her Instagram because Liz [Uy] is her stylist,” tukoy niya sa kaibigang celebrity stylist.
Ayon pa kay Georgina, isang patunay si Maine sa husay ng mga Pilipino upang mapansin sa buong mundo.
“It just shows you how we’re really trendsetters in global records, like Twitter, like social media.
"We always outdo the worldwide records, ganun kalakas tayo."
Sa ngayon, ang AlDub (Alden Richards at Yay Dub) ang may hawak ng world record ng may pinakamaraming tweets sa Twitter, dahil sa 41 million tweets ng hashtag na #AlDubEBTamangPanahon na ginamit sa Tamang Panahon concert noong October 24. —PEP
For the full story, visit PEP.
source: gmanetwork.com