Tuesday

Maine Mendoza's sister says Twitter hack a 'desperate move'


Martes nang madaling araw nang ma-hack ng grupong "Anonymous Philippines" ang Twitter account ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Ayon sa naturang grupo, nais lang nilang magparating ng mensahe sa publiko at nakita nilang magandang channel ang Twitter account ng dalaga dahil sa dami ng followers nito.

Wala rin daw silang anumang masamang intensyon o hangarin kay Maine at sa AlDub.

"We sincerely apologize for the recent intrusion of your beloved Idol's Twitter account. You can rest assure that we don't have any malicious intent towards the said individual or any programs pertaining to that person. We just wanted to send a message to the public, and using Maine's account is one of the easiest way we could find," paliwanag nila.

Dagdag pa ng grupo, "Rest assured that we are doing our best to contact the respectful owner of the said twitter account with the purpose of giving them back their access."


Nilinaw rin nila sa hiwalay na post na umaasa silang maiintindihan sila ni Maine.



Samantala, tila hindi naman nagustuhan ng pamilya ni Maine ang ginawang pangha-hack ng grupo.

Ayon kay Niki Mendoza-Catalan sa isang tweet, hindi makatwiran ang panghihimasok sa pribadong account ng isang tao upang makapagparating ng mensahe sa publiko.

Gayunpaman, siniguro niya sa lahat ng AlDub fans na inaayos na ang gusot na naidulot ng pangyayaring ito.

Sa kasalukuyan, nabura na ang tweets ng Anonymous Philippines sa Twitter account ni Maine, ngunit wala panibagong tweet na nagpapatunay na naibalik na sa kaniya ang pagmamay-ari ng kaniyang Twitter account.

source: gmanetwork.com