Monday
‘24 Oras Weekend’ anchor Cata Tibayan marries college sweetheart
Ikinasal na nitong Linggo ang showbiz reporter at "24 Oras Weekend" anchor na si Cata Tibayan sa kaniyang college sweetheart at pilot na si Jert Yao.
Naganap ang kanilang kasal sa Basilica Menor de San Sebastian, na nasundan ng enggrandeng reception sa City of Dreams Manila.
Bukod sa kani-kanilang pamilya at mga kaibigan, naging star-studded rin ang espesyal na araw ni Jert at Cata dahil sa ilan TV personalities na nakisaya sa kanila.
Kabilang na rito ang kapwa reporter ng bride na si Mav Gonzales, at ang mga Kapuso artist na sina Bea Binene at Kris Bernal, na pare-parehong kasama sa entourage bilang bridesmaids.
Dumalo rin sina Heart Evangelista, Sen. Chiz Escudero, Tito Sotto, Grace dela Peña-Reyes, at ang mga haligi ng GMA News and Public Affairs, kabilang na sina Mike Enriquez, Me Tiangco, Arnold Clavio, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Pia Arcangel, Tina Panganiban-Perez, at marami pang iba.
Nagsilbi namang hosts sina Sam YG, DJ Tony Toni, Slick Rick, o ang Boys Night Out, kasama si Eva Marie Poon.
Kasama sa mga umawit para sa bagong kasal at sa kanilang mga bisita ang bandang Spongecola, at ang mga singer na sina Aiza Seguerra at Jonalyn Viray. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News
source: gmanetwork.com