Showing posts with label Jose Manalo. Show all posts
Showing posts with label Jose Manalo. Show all posts
Tuesday
Jose as Yaya Dub, Maine as Tinidora in KalyeSerye
Nagkabaliktad na nga ba ang mundo?
Ito marahil ang tanong ng mga manononood ng Eat Bulaga sa pagpapatuloy ng KalyeSerye ngayong Martes.
Si Jose Manalo kasi, lumitaw sa barangay bilang si Yaya Dub.
Si Maine Mendoza naman, tila gumanap na bilang si Lola Tinidora.
Pero bahagi lamang ito ng patuloy na pagdi-disguise ng dalawa dahil sa patuloy na pagpaparamdam ng isang misteryosong babae.
Dahil nga dito, nagdesisyon na si Lola Nidora na ipadala si Yaya sa probinsiya kasama si Tiya Bebeng.
Pero tila hindi ito matanggap ng dalaga, na tumakbo sa pagtatapos ng episode.
Matuloy kaya ang pagtakas ni Yaya? Abangan sa pagpapatuloy ng KalyeSerye sa Eat Bulaga. —JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Labels:
AlDub,
Eat Bulaga,
Entertainment,
Jose Manalo,
Kalye-Serye,
Lola Nidora,
Maine Mendoza,
Television,
Tinidora,
Tiya Bebeng,
Yaya Dub
Thursday
Humble Maine still unaware of her own popularity, says Wally Bayola
Dahil sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros ang nakakasama ni Maine Mendoza palagi, napagkukuwentuhan din daw nila ang mga nangyayari sa bagong TV sensation.
Saad ni Wally, “6 A.M. na siya na-pack-up... parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya yung ganun.
"'Pagod na pagod ako. Parang hindi ako makatayo nang matagal.'
“Sabi ko, ‘Okey lang ‘yan. Tapos, just in case na umiba ang pakiramdam mo, tapikin mo lang ako.’
"Tapos sabi ko, ‘Kumain ka kasi nang maayos.’ Kasi hindi naman palakain.
“Tapos, hinahawakan ko siya. Sabi ko, 'Basta tapikin mo ako,' at kunwari uutusan ko siya [Yaya Dub].
“Eto na, aba, nang makita si Alden, biglang sumigla! Sumayaw pa! Biniro ko nga.
“Tapos sabi, ‘E, siyempre Kuya, hindi puwedeng magpahalata na ano...’
“[Sabi ko kay Maine], ‘O, sige, marunong ka na rin umarte.’”
Napapansin daw nilang hindi pa nagsi-sink in kay Maine ang estado nito ngayon at nakakalimutang sikat na sikat na siya.
Kuwento ni Wally, “Minsan nakakalimot. Hindi pa talaga niya alam na sikat na siya.
"Walang PA. Siya ang may dala ng bag niya, kung anu-ano.
“Ilalapag diyan. Halimbawa, dito ang standby area, sa labas ang catering.
"E, yung mga tao, nasa labas, naghihintay.
“Nagkukuwentuhan kami, biglang may commotion.
"So kami, ‘Ano yun? ano yun? Ay, si Yaya Dub, kumuha ng pagkain!’
"Siyempre, pinagkaguluhan siya." —PEP
source: gmanetwork.com
Saturday
Yaya Dub, totoong hinimatay sa 'Eat Bulaga'
Napanood sa Eat Bulaga kanina ang isa na naman episode ng Kalyeserye kung saan ikakasal na sina Frankie at Yaya Dub.
Naudlot ang kanilang kasal dahil sa pagkahimatay ni Yaya Dub or Maine Mendoza sa totoong buhay. Noong mukhang kasama lang sa script ng palabas ang pagkahimatay niya. Ngunit maraming nagtaka kung bakit pati ang staff ay mukhang tarantang taranta habang inaasikaso siya.
WATCH: Yaya Dub, hinimatay sa kanyang kasal
Ayon sa isang Facebook post ng Eat Bulaga, totoong nawalan ng malay si Maine. Nagawa pa nitong kumapit ng mahigpit sa ka-eksenang si Jose Manalo ngunit tuluyan pa din nawalan ng malay.
Nag post naman si Yaya Dub sa kanyang sariling Instagram account at ipinaalam sa kanyang mga fans na siya ay nasa ospital ngunit nasa mabuting kalagayan na.
Si Alden Richards naman ay nagpadala din ng mesahe para sa kanya.
Nangako naman si Maine na tuloy lang ang pagrampa ni Yaya Dub kapag siya ay nakalabas na ng ospital. -
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)



