Showing posts with label Nicomaine Mendoza. Show all posts
Showing posts with label Nicomaine Mendoza. Show all posts

Tuesday

Internet sensation Mikey Bustos makes song for Yaya Dub


Patuloy na dumadami ang mga mang-aawit na nagkaroon ng inspirasyon sa AlDub tandem at gumagawa ng kanta tungkol kina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza. Kabilang na rito ang Filipino-Canadian internet sensation na si Mikey Bustos.

Pinamagatan ni Mikey na “That's My Yaya Dub” ang nilikha niyang awit na sinamahan niya ng music video at iniupload sa kaniyang YouTube channel.

Bukod kay Yaya Dub, sinabi ni Mikey na alay rin daw niya ang kanta sa AlDub Nation.

Aniya, “This is my song for Yaya Dub and fans of #AlDubNation. Maine Mendoza, aka Yaya Dub, aka the Dubsmash Queen is amazing.”

“Alden Richards is a friend and lucky guy! They are great together and I believe that they are the biggest Pinoy love team phenomenon in history,” dagdag pa niya.

Bukod kay Mikey, gumawa rin ng kanta para kay Maine ang acoustic singer na si Jimmy Bondoc.

Dahil sa dumaraming awitin na nalikha na inspirasyon sa tambalang "AlDub" nina Alden Richards at Maine, inanunsiyo ni Joey de Leon nitong Sabado na magkakaroon ng songwriting contest ang Eat Bulaga.

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com


- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Friday

How Maine transformed from celebrity wannabe to certified star


Maine Mendoza's secret dream has always been to become a celebrity.

"I used to think being a celebrity is unattainable in my case so I never really considered pursuing. I didn’t think I have what it takes to be one; good looks, charisma, talents, etc.,” she confessed on her blog.

"Being a celebrity has always been my dream, at ngayon lang ako maglalakas loob ipaalam sa lahat na bata pa lang ako, gusto ko nang mag-artista… Eto na… Papunta na ako… I am getting there," she added.

In just a few months, Maine has become a celebrity, parlaying her gig as Eat Bulaga's Yaya Dub into a certified star — with not just one, but two television commercials under her belt.

—JST, GMA News

source: gmanetwork.com

Monday

How Maine Mendoza became part of the ‘Eat Bulaga’ family


Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang maging bahagi si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ng noontime show na “Eat Bulaga,” at mula nga sa pagiging yaya ni Lola Nidora, nagpapakilig na siya ngayon sa kauna-unahang Kalyeserye ng naturang programa kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na una nang sumikat si Maine sa social media dahil sa kaniyang mga nakakatuwang Dubsmash videos.

Gayunpaman, marami pa rin ang nagtatanong kung paano nga ba siya naging opisyal na bahagi ng isa sa pinakasikat at itinuturing na longest-running noontime show sa bansa kasama ang ilan sa mga batikang host at komedyante sa industriya.

Sa isang blog post, isiniwalat ni Maine ang kaniyang naging karanasan mula sa pagiging simpleng culinary arts student, Dubsmash Queen ng Pilipinas, at Eat Bulaga Dabarkads.



Aniya, inilihim niya ang pagkuha sa kaniya ng Eat Bulaga maging sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan at ipinaalam lamang ito sa kaniyang pamilya dahil siya raw mismo ay hindi makapaniwalang kinukuha siya ng naturang noontime show, na isa nang institusyon sa telebisyon.

“Maybe they saw a potential in me (through my Dubsmash videos) to be a 'Dabarkad.' I don’t know, until now I still cannot believe I am already a part of the EB family. I still question myself every now and then, 'Ano ba’ng ginawa ko? Ano ba’ng meron sakin? Bakit ako?' Things like that.”

Kuwento ni Maine, tinawagan siya ng staff na Eat Bulaga para sa isang interview, at ilang araw lamang ay muli siyang tinawagan upang sabihin na nakapasa siya at magiging bahagi na siya ng noontime show.

Bago siya sumabak sa 'Juan For All, All For Juan' segment, pinanood niya muna sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros nang live sa isang barangay. Kalaunan, makakasama niya ang tatlong ito upang magpasaya, magpakilig, at magpaiyak sa kauna-unahang Kalyeserye sa telebisyon.

Ayon kay Maine, “They invited me to watch Juan For All-All For Juan segment live (I remember it was a Thursday); asked me to observe how things come off in the set and see if I am okay with it. I told them I am totally fine with everything and then the next thing I heard was 'Okay, good. Sa Sabado ka na ila-launch.”

“I am mentally freaking out already. WHAT. OKAY. WAIT. DI KO MAISIP. OKAY. THURSDAY NGAYON. BUKAS MAKALAWA SABADO NA. OKAY. WAIT. TEKA. UHM. UHM. OH MY GOD. SERYOSO BA YUN. TEKA. DI KO MAISIP. THURSDAY, FRIDAY. SATURDAY. SABADO. SABADO NA. AGAD AGAD. OKAY. SO. SABADO. KERI BA,” pagpapatuloy niya.

Sa kabila ng matinding kaba, ipinagpatuloy niya pa rin ito dahil matagal na umanong pangarap ni Maine ang maging isang artista.

Ibinahagi pa niya sa naunang pahayag na ang pagiging artista ang kaniyang “secret dream” na hindi niya sinasabi kahit kanino dahil bukod sa natatakot siya na mapagtawanan, tingin niya rin daw ay imposibleng matupad ang pangarap na ito.

Hulyo 4 nang ipakilala si Maine bilang Divina Ursula Bokbokoba Smash a.k.a Yaya Dub (Smash), ang alalay ng sosyal na si Lola Nidora.

Sa loob ng sandaling panahon na naging bahagi siya ng Eat Bulaga, masaya raw siya na napapalapit na siya sa mga kasamahan niya, artista man o staff.

Pagbabahagi ni Maine, “I was excited and nervous at the same time. It was my first time to be on live TV and I had no idea on how the show would go. Even so, I think I did fine on my first day. (just fine) Well, I tried my best to keep/look calm and poised. It’s already my seventh week at Juan For All and I must say I am really having a good time at the set! Nakakaride na ako. And the staff, gee, love ’em. I love how in a short time I feel like I already belong.” — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News

source: gmanetwork.com

Saturday

Yaya Dub, totoong hinimatay sa 'Eat Bulaga'



Napanood sa Eat Bulaga kanina ang isa na naman episode ng Kalyeserye kung saan ikakasal na sina Frankie at Yaya Dub.

Naudlot ang kanilang kasal dahil sa pagkahimatay ni Yaya Dub or Maine Mendoza sa totoong buhay. Noong mukhang kasama lang sa script ng palabas ang pagkahimatay niya. Ngunit maraming nagtaka kung bakit pati ang staff ay mukhang tarantang taranta habang inaasikaso siya.

WATCH: Yaya Dub, hinimatay sa kanyang kasal

Ayon sa isang Facebook post ng Eat Bulaga, totoong nawalan ng malay si Maine. Nagawa pa nitong kumapit ng mahigpit sa ka-eksenang si Jose Manalo ngunit tuluyan pa din nawalan ng malay.

Nag post naman si Yaya Dub sa kanyang sariling Instagram account at ipinaalam sa kanyang mga fans na siya ay nasa ospital ngunit nasa mabuting kalagayan na.




Si Alden Richards naman ay nagpadala din ng mesahe para sa kanya.


Nangako naman si Maine na tuloy lang ang pagrampa ni Yaya Dub kapag siya ay nakalabas na ng ospital. -

source: gmanetwork.com

Friday

WATCH: Batang fan ni Yaya Dub, naiyak sa inis kay Lola Nidora


Kahit ang mga bata, sinusubaybayan na ang mala-live soap opera ng pag-iibigan nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga!. Katunayan, ang four-year-old girl na fan ni Yaya Dub na si Asha Gomez, naiyak dahil sa ginagawang pagkontra ni Lola Nidora sa pagmamahalang "AlDub" forever.





Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabi ng mommy ni Asha na si Thea, na paborito takaga ng kaniyang anak si Yaya Dub kaya naaapektuhan ang bata sa ginagawa rito ni Lola Nidora.

Katunayan, ginagaya rin ni Asha ang dance moves ni Yaya Dub at maging ang kanyang "pabebe" dubsmash.

Wish ni Asha na makita niya in-person si Yaya Dub, at nag-alok din ang bata na sa kanilang tumira kapag muling inapi ni Lola Nidora.

Sa isang Twitter post, sinabi naman ni Yaya Dub kay Asha na, "Tahan na baby, lalaban si Yaya Dub!"

source: gmanetwork.com





Wednesday

'Yaya Dub' ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza, ‘secret dream’ ang maging isang artista


Nakilala ang 20-year-old netizen na si Nicomaine Mendoza dahil sa kaniyang mga nakatutuwang 'Dubsmash' videos, kung saan makikitang nagli-lip sync siya ng iba't ibang eksena mula sa mga TV shows, pelikula, patalastas, at marami pang iba.


Dahil sa milyon-milyong views na nakamit ng kaniyang mga video, binansagan na siyang “Dubsmash Queen” sa social networking sites.

Nitong mga nagdaang linggo, naging kapansin-pansin na isa na siya sa mga regular na napanonood sa “Sugod Bahay: Juan for All, All for Juan” segment ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/522246/showbiz/chikaminute/yaya-dub-ng-eat-bulaga-na-si-maine-mendoza-secret-dream-ang-maging-isang-artista Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment



Dito ay kasama niya sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola, aka Lola Nidora.

Ipinakilala si Maine bilang si Divina Ursula Bukbukoba Smash, o "Yaya Dub" ni Lola Nidora.

Hindi man siya nagkakaroon ng dialogue, aliw na aliw naman ang mga manonood sa live niyang pagli-lip sync, pagse-selfie, at sa mga todo-bigay niyang facial expressions.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, ibinahagi ni Maine ang kaniyang pagkahilig sa pag-e-emote sa harap ng camera at kung paano ito naging daan upang matupad niya ang isa sa kanyang mga pangarap.

Bago siya makilala dahil sa kaniyang “Dubsmash” videos, graduate si Maine ng Culinary Arts mula sa De La Salle-College of St. Benilde.  Naging abala rin siya sa on-the-job training sa isang resort sa New York City, USA.

Estudyante pa lamang daw siya ay mahilig na siyang mag-lip sync at umarte sa harap ng camera. Kaya naman agad siyang nahumaling sa application na “Dubsmash” at walang kahirap-hirap niyang napapatawa ang mga nakakanood ng kaniyang videos.

“Nung inapload ko, noong una, nagkaroon ako ng 1,000 views. Tapos naalala ko, ang saya-saya ko na 'Wow, may 1,000 views ang video ko.' Tapos hanggang sa gabi, umabot na siya ng 50,000. So proud na proud ako, sinasabi ko pa sa mga kapatid ko, sa mga magulang ko. Tapos kinabukasan, nag-one million views! Hindi ko talaga ine-expect,” kuwento ni Maine.

Dagdag pa niya, “Napansin agad sa first video ko, yung kay Kris Aquino. Ginagaya ko siya sa pagwa-wacky ko, pero normal na sa akin 'yon. Bata pa lang ako, sanay na akong mag-wacky. Kapag kausap ko mga kaibigan ko, mga kamag-anak ko, yung reaksyon ko talaga is wacky-wacky lang.”

Ngayon, nagpapasalamat ang dalaga sa lahat ng mga nag-like at nag-share ng kanyang videos dahil naging daan raw ito upang ma-discover siya ng “Eat Bulaga” at matupad ang pangarap niyang maging artista.

Aniya, “Ito 'yung secret ultimate dream ko, maging artista. Pero hindi ko siya sinasabi sa friends ko or hit kanino kasi feeling ko pagtatawanan lang ako kapag nalaman nilang gusto kong maging artista. Ang tingin ko sa pag-aartista noon, medyo impossible. Wala naman akong talent or kahit ano."

"Nagulat din yung family ko na biglang ganito. Nakakagulat talaga kasi secret ultimate dream ko 'yon, and nandito na ako. I'm getting there. Living the dream,” dagdag pa ng dalaga.

Hindi naman itinanggi ni Maine na kinabahan siya sa unang pagsalang niya sa naturang noontime show, lalo na't makakasama niya ang mga batikang hosts at komedyante na sina Jose, Wally, at Paolo, at makakasama rin siya sa paglilibot ng mga ito sa iba't ibang barangay.

Higit umano sa lahat, naging hamon sa kanya ang pagli-lip sync sa live television. Hindi katulad ng pagre-record sa cell phone at pag-upload online, wala raw siyang pagkakataong itama ang kanyang pagkakamali sa telebisyon.

Pagbabahagi ng “Dubsmash Queen” ng Pilipinas, “Noong una po, natatakot ako kasi biglang salang. Wala akong workshop, wala akong pinagdaanang kahit ano. Dubsmash lang talaga at yung pagpapangit ko lang sa camera. Pero ayun, tingin ko medyo okay naman, saka natututo naman ako.” -- FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com