Showing posts with label Joey de Leon. Show all posts
Showing posts with label Joey de Leon. Show all posts
Wednesday
Eat Bulaga offers free shuttle service to ‘Sa Tamang Panahon’ event
Magkakaroon ng libreng bus para sa lahat ng miyembro ng AlDub Nation na manonood ng 'Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon' sa Philippine Arena sa darating na Sabado, October 24.
Itinuturing itong isa sa pinakamalaking pagtatanghal sa kasaysayan ng longest-running noontime show na 'Eat Bulaga' matapos ma-soldout ang tickets at tinatayang 55,000 katao ang pupuno sa nasabing venue.
Nitong Miyerkules, inanunsyo nina Tito Sotto at Joey de Leon bago ang episode ng Kalyeserye na magkakaroon ng libreng hatid sa Philippine Arena para sa mga manonood.
Ang tatlong terminal na maaaring puntahan ng mga manonood ay:
Broadway Centrum sa Aurora Blvd., Quezon City (MDC Buses)
Cubao Station, First North Lunzon Bus Garage sa EDSA cor. P. Tuazon, Cubao
Southbound (FLN Buses, Bataan Buses)
Navotas Terminal Station sa C-4 Road Centennial Park, Navotas City (RRCG Buses, Bus Link Buses, Delta Buses)
Aalis ang first trip sa ganap na 6:00 ng umaga, habang 7:00 ng umaga namna ang alis ng second trip.
Para naman sa mga hindi nakabili ng ticket at sa mga miyembro ng AlDub Nation na nasa ibang bansa, mayroong 'AlDub account' kung saan maaaring mag-donate para sa 'AlDub Library' project ng Eat Bulaga.
Nauna nang sinabi ng Eat Bulaga na lahat ng nalikom na pondo mula sa mga nabiling ticket—na nagkakahalaga ng P150 hanggang P1,200—ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga tatawaging "AlDub library" sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Pinaalalahanan rin ng Eat Bulaga Dabarkads sa lahat ng mga nais maging bahagi ng makasaysayang kaganapang ito na mag-ingat sa mga mapansamantalang tao na maaaring gamitin ang pagtitipon upang makapanlinlang ng kapwa.
—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News
source: gmanetwork.com
Sunday
AlDub takes first selfie with the Eat Bulaga Dabarkads
Bumisita sina Yaya Dub, Lola Nidora, at Lola Tinidora sa Broadway nang magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon nitong Sabado.
Matapos makabisita si Alden sa mansyon noong nakaraang linggo, nagkaroon naman ng pagkakataon si Yaya Dub na makilala ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga.
Hindi pinalampas ng AlDub at ng Dabarkads ang pagkakataon para sa kanilang kauna-unahang selfie.
Sa isang Twitter post, tinawag ito ng batikang host na si Joey de Leon na "Bulagaan University, Class of 2015."
Sa huli, tila mas hahaba pa ang panahong maka-bonding ni Yaya Dub ang Dabarkads dahil magkakapalit na sila ng pwesto ni Alden.
Simula Lunes, makakasama na nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora ang Pambansang Bae sa Sugod Bahay sa mga barangay, habang makakasama naman ng Dabarkads ang Kalyeserye sweetheart sa Broadway. --Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Saturday
Lola Nidora, hinarana nina Tito, Vic, and Joey
Gaya ng ipinangako nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, hinarana nila si Lola Nidora bilang bahagi ng enggrandeng welcome para dito at kay Yaya Dub sa kauna-unahang pagbisita nila sa Broadway.
Bukod sa kilig na dala ng AlDub, tila kinilig rin ang Dabarkads sa loveteam nina Lola NIdora at Jimmy Santos, na naging bahagi rin ng nasabing harana.
--Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Tuesday
Internet sensation Mikey Bustos makes song for Yaya Dub
Patuloy na dumadami ang mga mang-aawit na nagkaroon ng inspirasyon sa AlDub tandem at gumagawa ng kanta tungkol kina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza. Kabilang na rito ang Filipino-Canadian internet sensation na si Mikey Bustos.
Pinamagatan ni Mikey na “That's My Yaya Dub” ang nilikha niyang awit na sinamahan niya ng music video at iniupload sa kaniyang YouTube channel.
Bukod kay Yaya Dub, sinabi ni Mikey na alay rin daw niya ang kanta sa AlDub Nation.
Aniya, “This is my song for Yaya Dub and fans of #AlDubNation. Maine Mendoza, aka Yaya Dub, aka the Dubsmash Queen is amazing.”
“Alden Richards is a friend and lucky guy! They are great together and I believe that they are the biggest Pinoy love team phenomenon in history,” dagdag pa niya.
Bukod kay Mikey, gumawa rin ng kanta para kay Maine ang acoustic singer na si Jimmy Bondoc.
Dahil sa dumaraming awitin na nalikha na inspirasyon sa tambalang "AlDub" nina Alden Richards at Maine, inanunsiyo ni Joey de Leon nitong Sabado na magkakaroon ng songwriting contest ang Eat Bulaga.
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
source: gmanetwork.com
- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Saturday
Bernardos ni Tidora vs Quandos ni Tinidora
Nagpakitang gilas ang mga bodyguard nina Lola Tidora at Tinidora sa panimula ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Puna ni Joey de Leon, kamukha pa ni Brod Pete ang isa sa mga alalay ni Tinidora.
Kung makikisig ang dating ng mga Bernardo ni Tidora na walaking Bae, mala-walking dead naman daw ang dating ng mga Quando ni Tinidora.
Pero hindi nagpatalo ang mga Quando sa showdow sa mga Bernardo na matapos magpakita ng dog tricks, ay nag-Twerk It Like Miley zombie style naman.
Pumatok naman at kinaaliwan ng netizens ang mga Quando ni Tinidora.
source: gmanetwork.com
Sunday
Joey de Leon, inihayag na wala siyang planong pasukin ang pulitika
Habang nakabitin ang usap-usapan sa planong pagpasok sa pulitika ni Vic Sotto sa 2013 elections, inihayag naman ng kanyang kaibigan na si Joey de Leon na wala itong balak na kumandidato sa anumang posisyon sa gobyerno.
Kamakailan ay inamin ni Sen Tito Sotto na napag-uusapan ang posibleng pagpasok na rin ng kanyang kapatid at kapwa host sa Eat Bulaga na si “Bossing" Vic, sa pulitika sa darating na halalan.
Pagiging alkalde ng Quezon City ang sinasabing posibleng takbuhan ni Vic kunsaan maaari niyang makalaban ang kapwa artista na si Herbert Bautista, na kasalukuyang alkalde ng lungsod.
Sakabila ng mga balitang ito, wala pang malinaw na pahayag na galing mismo kay Vic kung tatakbo nga siya sa eleksiyon.
Sa ulat ni Glen Sibonga na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sinabi ni Joey, host din sa Eat Bulaga, na narinig na niya ang balitang pagpalaot sa pulitika ng kanyang kaibigang si Vic.
Pero siya man daw ay walang naririnig na mismong galing kay Vic kung tatakbo nga ito sa halalan.
“Narinig ko na iyan. Well, isa ako sa dapat makaalam niyan kung totoo siyempre. Wala akong naririnig kay Vic. Baka manunurpresa siya. Nababalitaan ko nga iyan," pahayag ni Joey sa lumabas na ulat sa PEP.
Ngunit tiniyak ni Joey na suportado niya kung sakaling magdesisyon si Vic na pasukin ang pulitika.
Nang tanungin si Joey kung siya man ay may planong pasukin ang pulitika, tugon ng tinaguriang entertainment guru ng Philippine showbiz: “Wala, ang hirap, e. Paano ka lalayas ]mag-abroad]? Ang hilig kong lumayas, e. 'Pag pumasok ka sa pulitika, hindi mo na magagawa lahat iyan. Kasi mag-iiba ang priorities mo. Hindi talaga ako for politics." – FRJ, GMA News
source: gmanetwork.com
Labels:
Actor,
Eat Bulaga,
Election,
Entertainment,
Joey de Leon,
Philippine Showbiz,
Philippines,
Politics,
Tito Sotto,
TV Host,
Vic Sotto
Subscribe to:
Posts (Atom)






