Showing posts with label Kalyeserye Aldub. Show all posts
Showing posts with label Kalyeserye Aldub. Show all posts
Wednesday
Alden fails to catch Yaya Dub
Naging ma-drama ang tagpo nitong Miyerkules nang muli na namang mapigil ang pagtatagpo nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga.
Matapos makompleto ang mala-Extra Challenge na hadlang ni Lola Nidora, sinubukang makita ni Alden si Yaya Dub sa loob ng studio, kung saan ito nag-perform ng production number para sa #BulagaPaMore.
Hindi pa marahil tamang panahon upang magtagpo ang dalawa.
AlDub
#AlDubMaybeThisTime
Posted by Eat Bulaga on Wednesday, August 12, 2015
—JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Monday
Fans pitch 'My Love from the Star' remake starring Alden and Yaya Dub
Kasabay ng patuloy na pagsikat ng 'Kalye Serye' nina Alden Richards at Yaya Dub, marami na ang hindi makapaghintay sa kanilang pagkikita sa naturang segment ng “Eat Bulaga.”
Marami na rin ang naghahangad na magkaroon pa ng mas maraming projects sa TV at pelikula ang AlDub love team.
Dahil dito, gumawa ang fans ng love team sa telebisyon ngayon ng isang trailer para sa remake ng hit Koreanovelang “My Love from the Star,” kung saan gagampanan nina Alden at Yaya Dub ang karakter ng mga bidang sina Matteo Do at Steffi Cheon.
Kahapon lang 150K tayo, ngayon 160K Likes (y) na! :)The wait is over. Dahil ang minahal at kinabaliwan ng buong...
Posted by Aldub on Saturday, August 8, 2015
Ang mga clips na ginamit para sa naturang trailer ay hango sa music video ni Alden at sa debut video ni Maine.
Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 175,000 likes ang fanpage ng AlDub loveteam sa Facebook, habang nagkaroon naman ng halos 20,800 likes at 4,350 shares ang fanmade trailer. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
source: gmanetwork.com
Saturday
Yaya Dub, totoong hinimatay sa 'Eat Bulaga'
Napanood sa Eat Bulaga kanina ang isa na naman episode ng Kalyeserye kung saan ikakasal na sina Frankie at Yaya Dub.
Naudlot ang kanilang kasal dahil sa pagkahimatay ni Yaya Dub or Maine Mendoza sa totoong buhay. Noong mukhang kasama lang sa script ng palabas ang pagkahimatay niya. Ngunit maraming nagtaka kung bakit pati ang staff ay mukhang tarantang taranta habang inaasikaso siya.
WATCH: Yaya Dub, hinimatay sa kanyang kasal
Ayon sa isang Facebook post ng Eat Bulaga, totoong nawalan ng malay si Maine. Nagawa pa nitong kumapit ng mahigpit sa ka-eksenang si Jose Manalo ngunit tuluyan pa din nawalan ng malay.
Nag post naman si Yaya Dub sa kanyang sariling Instagram account at ipinaalam sa kanyang mga fans na siya ay nasa ospital ngunit nasa mabuting kalagayan na.
Si Alden Richards naman ay nagpadala din ng mesahe para sa kanya.
Nangako naman si Maine na tuloy lang ang pagrampa ni Yaya Dub kapag siya ay nakalabas na ng ospital. -
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)



