Saturday

Sexy comedienne Chariz Solomon, ikakasal na


Nakatakda nang ikasal ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa kanyang non-showbiz boyfriend na anim na taon na niyang karelasyon.

Sa taped interview na ipinalabas sa Startalk TX nitong Sabado, sinabi ni Chariz na hindi niya inakala ang matinding pagmamahal na ipinadama sa kanya ng magiging mister na si Nestor Ng Jr.

Kwento ni aktres, nakilala niya si Nestor sa isang gimikan at mabilis siyang naging kumportable sa binata makaraang lamang ng ilang 'date'.

“Nung umaga gusto niya kong puntahan, nagkita kami gabi... dinner pagdating niya may order na 'kong dalawang kanin isang kare-kare," natatawang kwento ni Chariz.



"Sabi niya, 'o inorder mo na pala ko.' Sabi ko, hindi akin lang 'to, umorder kang sarili mo," patuloy ni Chariz na paglalarawan kung gaano siya kabilis naging komportable sa lalaki.

Matapos ng isa pang gimik, naging “sila na," ayon sa aktres.

Kahit sa Linggo na ang kasal nila, hindi pa rin daw makapaniwala si Chariz sa matinding pagmamahal na ipinadama sa kanya ni Nestor.

Kaya naman wala na raw pakialam si Chariz sa ibang lalaki na gandang-ganda at habol nang habol sa kanya.

“Kahit sobrang gandang ganda sila sa akin, hinahabol habol nila ko... hindi ko na kailangan ng iba pa," natatawang pahayag ni Chariz.

Mensahe pa niya kay Nestor: “Yung sinasabi nila na mag-enjoy ka muna bata ka pa, kaya ko yung gawin nandyan ka. Kasi mas masaya ang lahat ng bagay kapag ginagawa natin together kahit walang ibang tao, kahit tayong dalawang lang." - FRJimenez, GMA News

source: gmanetwork.com