Showing posts with label Dabarkads. Show all posts
Showing posts with label Dabarkads. Show all posts

Wednesday

LOOK: Family picture nina Alden Richards, Yaya Dub at Bae-by Baste


 Meet the Faulkersons!

Isang meme ang ibinahagi ni Dabarkads Tito Sotto kung saan makikita na tila isang pamilya ang mga characters na ginampanan nina Alden Richards, Yaya Dub at Bae-by Baste.

    FAMILY PICTURE? THE FAULKERSONS! HAHA. #ALDUBNewCharacter pic.twitter.com/rjT6zmK53F
    — TITO SOTTO (@TitoSenOfficial) November 4, 2015


Ang litrato ng Pambansang Bae ay mula sa episode kahapon, November 4, ng kalye-serye kung saan nagbihis siya  bilang Lola Nidora para pangitiin si Yaya Dub.


 
Ang litrato naman ni Yaya Dub ay kuha noong nag-disguise siya bilang si Lola Tinidora, samantalang ang litrato ni Bae-by Baste ay hango noong undas kung saan nag-costume siya bilang si Chuckie.

source: gmanetwork.com

Friday

Dabarkads Julia Clarete at Paolo Ballesteros ready na sa 'Tamang Panahon' concert bukas!

By AEDRIANE ACAR

All roads lead to the Philippine Arena this Saturday!


Bukas na mapapanood ng buong mundo ang hinandang grand celebration ng 'Eat Bulaga!' para sa lahat ng Dabarkads na walang sawang sumusuporta sa kanila for 36 years.

Nagpapaalala na din ang national government sa lahat ng dadalo sa 'Tamang Panahon' concert sa Bulacan na mag-ingat at maghanda sa matinding trapik.

source: gmanetwork.com





Saturday

Paolo Ballesteros, first grand winner ng 'Bulaga Pa More'


Nagbunga ang buwis-buhay na pagtatanghal ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga nitong Sabado matapos siyang maging kauna-unahang grand winner ng "Bulaga Pa More."



Ibinigay naman ni Vic Sotto sa pinakabatang kalahok na si Ryzza Mae Dizon ang special award.

Dahil sa pagkapanalo ni Paolo, pipili siya ng paaralan na paglalaanan ng kaniyang premyong P500.000.00.

Bukod sa ganda, marami ang namangha sa ginawang performance ni Paolo na mala-Super Siyerna.

- FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com
- FRJ, GMA News

Sunday

AlDub takes first selfie with the Eat Bulaga Dabarkads


Bumisita sina Yaya Dub, Lola Nidora, at Lola Tinidora sa Broadway nang magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon nitong Sabado.

Matapos makabisita si Alden sa mansyon noong nakaraang linggo, nagkaroon naman ng pagkakataon si Yaya Dub na makilala ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Hindi pinalampas ng AlDub at ng Dabarkads ang pagkakataon para sa kanilang kauna-unahang selfie.

Sa isang Twitter post, tinawag ito ng batikang host na si Joey de Leon na "Bulagaan University, Class of 2015."

Sa huli, tila mas hahaba pa ang panahong maka-bonding ni Yaya Dub ang Dabarkads dahil magkakapalit na sila ng pwesto ni Alden.

Simula Lunes, makakasama na nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora ang Pambansang Bae sa Sugod Bahay sa mga barangay, habang makakasama naman ng Dabarkads ang Kalyeserye sweetheart sa Broadway. --Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

source: gmanetwork.com