Showing posts with label Martin del Rosario. Show all posts
Showing posts with label Martin del Rosario. Show all posts
Wednesday
Kylie Padilla admits she likes Martin del Rosario; not bothered by rumors about his sexuality
Noong una ay nangingimi pa si Kylie Padilla na sabihin kung sino ang nagugustuhan niyang lalaki na taga-showbiz.
Pero sa pamimilit sa kanya ng ilang press ay inamin din niyang ito ay walang iba kundi si Martin del Rosario, ang kanyang leading man sa GMA-7 afternoon teleserye Buena Familia.
Pero nilinaw ng Kapuso actress na hindi ito nangangahulugang gusto na niyang pumasok sa isang relasyon.
“Close talaga kami ni Martin,” pag-amin ni Kylie.
Taglay raw ni Martin ang hinahanap na katangian ni Kylie sa isang lalaki—ang pagiging matalino.
“Matalino rin si Martin, in fairness sa kanya.”
Nade-develop na ba siya sa kanyang kapareha?
Sagot ni Kylie, “Wala pa ako dun sa point na gusto kong maging tayo na... tingnan natin.”
Tungkol naman sa status ng kanilang relasyon, sabi ng 22-anyos na aktres, “Sobrang walang effort lang. Puwede akong di naka-make up, di nakaayos, pero kumportable pa rin ako.”
Puwede ba niyang maging boyfriend si Martin?
“Maganda 'yon. That’s a foundation. Yun ang gusto natin.”
RUMORS. Ano ang pumipigil sa kanyang pumasok sa isang relasyon, lalo pa’t may nagugustuhan siya ngayon?
“Ako lang,” sagot ni Kylie.
Hindi raw masabi ni Kylie kung nanliligaw ba sa kanya ang binata, pero hindi raw ito importante.
“Para sa akin, friends lang, pero siyempre masaya na. Masaya na kami.”
Ano naman ang nagustuhan niya kay Martin?
“Hindii ba, ang man daw, hindi nagpapakita ng emosyon? Siya, he’s not scared."
Inusisa rin si Kylie kung aware ba siya sa mga isyung kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Martin.
Aniya, “Actually, masaya kami. I’m not thinking, 'Magiging boyfriend ko ‘to.' If ever man na totoo ang mga ganyan, I accept him the way he is. Yun ang totoong magkaibigan."
Pero kung si Kylie raw ang tatanungin, wala siyang nakikitang basehan sa ipinupukol na intriga kay Martin.
Naniniwala siyang lalaki talaga si Martin?
Mabilis na sagot ni Kylie, “Oo.”
Nararamdaman ba niyang may feelings din para sa kanya si Martin?
Sabi ni Kylie, “Di ko alam. Siya tanungin niyo. Feel ko naman na true friend ko siya." -- PEP.ph
source: gmanetowrk.com
Thursday
Martin del Rosario denies alleged viral nude photo
Mariing itinanggi ng Kapuso actor na si Martin del Rosario na siya ang lalaki sa kumakalat ngayong nude photo sa Internet.
Unang lumabas ang naturang larawan sa isang gossip blogsite, gabi ng Miyerkules, June 3.
"Hindi po ako yun!" natatawang pahayag ni Martin sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng telepono ngayong araw, June 4.
Paano niya nasabing hindi siya ang lalaking nasa larawan?
Sagot ng aktor, "Wala, e. Kilala ko naman ang sarili ko. Kaya hindi po talaga ako yun."
Masasabi ba niyang pinaglaruan lang o in-edit ang larawan ng isang nakahubad na lalaki upang palabasin na siya ito?
Giit ni Martin, "Hindi ko alam kung na-Photoshop yun o ano, pero hindi talaga ako yun."
Nalaman daw ng Buena Familia star ang tungkol sa naturang larawan nang may nag-tag nito sa kanya.
Pero sigurado ba siyang wala siyang mga hubad na larawan, na posibleng nakuha sa kanyang telepono na nanakaw?
"Wala, wala. Wala po," sabi ni Martin.
Bago pa lumabas ang isyung ito, matagal na ring pinagdududahan ang pagkalalaki ni Martin, ngunit nilinaw na niya ang tungkol dito sa kanyang mga nakaraang panayam. -- For the full story, visit PEP.
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Posts (Atom)


