Showing posts with label Tiya Bebeng. Show all posts
Showing posts with label Tiya Bebeng. Show all posts

Friday

Ms. Gloria Romero, nag-enjoy sa kalyeserye bilang si Tiya Bebeng


Napuno nang tawanan sa studio at sa kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Huwebes nang bumisita at makipagsabayan sa "pabebe girl" dubsmash ang batikang aktres na si Gloria Romero, na gumanap bilang si tiya Bebeng ng mga lola na sina Nidora, Tidora at Tinidora.

source: gmanetwork.com

Tuesday

Jose as Yaya Dub, Maine as Tinidora in KalyeSerye


Nagkabaliktad na nga ba ang mundo?

Ito marahil ang tanong ng mga manononood ng Eat Bulaga sa pagpapatuloy ng KalyeSerye ngayong Martes.

Si Jose Manalo kasi, lumitaw sa barangay bilang si Yaya Dub.


Si Maine Mendoza naman, tila gumanap na bilang si Lola Tinidora.

Pero bahagi lamang ito ng patuloy na pagdi-disguise ng dalawa dahil sa patuloy na pagpaparamdam ng isang misteryosong babae.

Dahil nga dito, nagdesisyon na si Lola Nidora na ipadala si Yaya sa probinsiya kasama si Tiya Bebeng.

Pero tila hindi ito matanggap ng dalaga, na tumakbo sa pagtatapos ng episode.

Matuloy kaya ang pagtakas ni Yaya? Abangan sa pagpapatuloy ng KalyeSerye sa Eat Bulaga. —JST, GMA News

source: gmanetwork.com