Thursday

Alex Medina on falling in love with gays: 'Sexuality is fluid'


Nilinaw ni Alex Medina ang naging pahayag niya sa isang interview kung saan sinabi niyang posible siyang ma-in love sa isang gay o bakla.

Pahayag ng aktor, “Ang sinabi ko lang doon sa isang TV interview, kung posible ba akong ma in-love sa isang gay, sabi ko ay may posibilidad naman iyon."

“Kasi, sexuality is fluid kumbaga. Hindi mo matutuldukan hangga’t na-try mo na."

So, talagang may posibilidad na ma-in love si Alex sa isang gay?

Tugon niya, “Oo naman, siyempre. Kasi, hindi ba, ang daming istoryang ganyan, tulad ng Brokeback Mountain."

"Na barako sila, tapos mamaya-maya, kung ano na ang ginagawa nila sa bundok... So, hindi mo masabi, e."

GAY MOVIE. Kung may offer na movie na parang Brokeback Mountain, papayag ba si Alex na gawin ito?

“Depende sa script, sa director na alam mong mapagkakatiwalaan mo."

"Di lang basta director. Dapat alam mo 'yung parang, ‘Eto gagawin natin, ha, eto ang pelikula, ganito gagawin mo, ganito gagawin ko, eto ang labas.'"

"Yung ganun, yung malinaw.”

Sinong aktor ang gustong makapareha ni Alex kung sakali?

“Si John Lloyd Cruz sana, e, kaya lang nagkaroon na sila ng movie ni Luis Manzano noon, e."

Ang tinutukoy ni Alex ay ang 2009 movie na In My Life, kung saang gumanap na gay lovers sina John Lloyd at Luis.

Patuloy niya, “Gusto ko yung tropa ko, e. Pero huwag yung masyadong tropa. Siguro puwede si Kean Cipriano. Kasi kaibigan ko yun."

Gusto ba ni Alex na makapareha ang katropa niya dahil hindi na siya mahihiya rito?

Sagot ng aktor, “Oo, para hindi ako mahiya.”

Pero hindi ba siya maiilang o magpipigil kapag kaibigan niya ang kapareha?

“Hindi, kasi kumbaga 'yun ang nakalagay sa script. So, kung kailangang mag-kiss, kung kailangan dikitan ang katawan mong nakahubad, bakit hindi?" natatawang sabi ng anak ng batikang aktor na si Ping Medina.

Pero bakit una niyang binanggit ang pangalan ni John Lloyd?

Paliwanag ni Alex, “Kung gagawa kasi ako ng parang Brokeback Mountain movie, siyempre I would want someone na… isang actor na siguro."

"Siyempre idol ko si John Lloyd. In the first place, siya talaga ang peg ko."

“I mean, pagpasok ko pa lang sa showbiz noon or pag-start ko sa TV, or actually unang pag-sign ko pa lang ng contract, sinabi ko na si John Lloyd ang peg ko.”

Dagdag niya, “Sakaling may ganoong project, siyempre you would want an actor you can trust, na you would be comfortable with, I mean, plus the material."

“Although hindi kami friends ni John Lloyd, pero it would be an honor siyempre na makatrabaho ko siya for such a movie or kahit anong movie for that matter, actually." -- PEP.ph 

source: gmanetwork.com