Friday
Alden: No P100 million offer for AlDub to endorse politician
Wala pa raw natatanggap na formal offer ang Pambansang Bae na si Alden Richards mula sa concert producer na si Joed Serrano para sa isang Valentine concert sa 2016.
Matatandaang noong October 28 ay sinabi ni Joed sa isang panayam na may 8-digit offer siya kay Alden para sa two-night concert, February 13 and 14, sa Araneta Coliseum.
Read: Alden Richards gets 8-digit offer for major concert in Araneta Coliseum
Pero ayon kay Alden, “Wala pa pong offer, hindi pa po lumalapit sa management.”
Hinihintay lang niyang pormal na mag-alok sa GMA Artist Center si Joed?
Sagot ng Kapuso star, “Kung meron naman po, why not?
“Mapag-uusapan pa. Willing naman po kaming pag-usapan.”
Bukod sa 8-digit offer para sa two-night concert sa Araneta, may kumakalat ding balita na isang political party diumano ang nag-alok kay Alden at sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza ng P100 million para iendorso ang isang presidentiable sa 2016 elections.
Totoo ba ito?
“Hindi po totoo yun,” pagtanggi naman ni Alden.
“Wala pong lumapit to offer that much money.”
Pero allowed ba siyang mag-endorso ng isang pulitiko?
Tugon niya, “Ako po, personally, I really don’t want to endorse po.
“Kasi, kumbaga, let them be.
“Iba po ‘tong showbiz sa politics. I don’t wanna mix it po.”
Dagdag pa ni Alden, “Personally, the management din po, may mga offers din po before, during first two months ng AlDub.
“There have been offers to endorse political party or political person.
“Pero sinabi ko po na baka puwedeng dito na lang tayo sa showbiz mag-concentrate, not the other side po.”
Hindi siya nasisilaw ng pera? Kahit P100 million, P200 million pa ang alok sa kanya ng isang pulitiko, tatanggihan niya?
“Opo, e,” nakangiting sagot ni Alden. —PEP
For the full story, visit PEP.
source: gmanetwork.com