Thursday
AlDub loveteam catches BBC’s attention as ‘social media phenomenon’
Dahil sa araw-araw na pagiging top trending topic worldwide ng AlDub hashtags, umaagaw na rin ng atensiyon sa international news websites ang itinuturing na global phenomenon loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Sina Alden at Yaya Dub ang mga pangunahing karakter sa sinusubaybayang Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Ngayong araw, October 28, ay nai-feature ang AlDub sa website ng BBC News, ang bbc.com.
Ang BBC o British Broadcasting Corporation ay ang public-service broadcaster ng United Kingdom, na ang headquarters ay matatagpuan sa London. Ito ang counterpart ng CNN ng USA.
Sa artikulo ni Heather Chen na may titulong "AlDub: A social media phenomenon about love and lip-synching," tinalakay rito ang popularidad ng AlDub sa mga Pinoy at ang pagti-trend nito sa Twitter.
Sabi pa sa artikulo, "And it isn't just the local fans. US politicians and even alternative rock bands, have declared their love for the show and its young stars."
Mayroon ding pahayag ang TV host na si Daphne Oseña-Paez at ang Pinoy BBC presenter na si Rico Hizon, na parehong fan ng Kalyeserye.
Sabi ni Daphne tungkol sa tambalan nina Alden at Yaya Dub, "Actors and actresses are often paired up so fans hope they end up together in real life. But what's different about 'AlDub'... is that it wasn't just the creation of a TV network or movie production."
Ayon naman kay Rico, "They appear very down-to-earth. I believe that one big reason they are so popular is because the actors are very humble despite their massive success—they keep thanking fans as well as everyone who supports their work."
Nabanggit din sa artikulo ang pagiging third fastest-growing celebrity on Twitter ni Maine, "after US singers Taylor Swift and Katy Perry."
Tungkol naman sa pagiging global phenomenon ng AlDub sa Twitter, sabi ni Daphne, "None of it was planned. It's not like the show hired social media experts to strategise a plan—they realised what they had: a new and younger social-media savvy audience."
Samantala, isa pang patunay kung gaano kasikat ngayon ang AlDub ay ang pagiging cover nila sa apat na glossy magazines ngayong Nobyembre: YES!, Preview, Meg para kay Maine, at Mega Man para kay Alden. -PEP.ph
source: gmanetwork.com