Friday

Karylle at Yael Yuzon, star-studded ang kasal


Ikinasal na nitong Biyernes ng hapon sa San Antonio de Padua church sa Silang, Cavite ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Karylle sa Sponge Cola lead vocalist na si Yael Yuzon.

Bukod kay Zsa Zsa, inihatid sa altar si Karylle ng kaniyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari. Nandoon din ang mga kapatid niyang sina Coco at Zia Quizon.

Kabilang sa mga sponsor sa kasal si German "Kuya Germs" Moreno, na nagbigay ng kaunting impormasyon sa kasal sa kaniyang programang Walang Siesta sa dzBB radio sa pamamagitan ng phone patch.





Ilan pa sa tumayong sponsor sina Dr. Vicki Belo, Kris Aquino, Alice Eduardo, Jose Mari Chan, Martin Nievera, Ryan Cayabyab, Sharon Cuneta-Pangilinan, Ben Chan, Carlo Orosa, Ricky Reyes, Robin Padilla, Lorna Tolentino, Gary Valenciano, Angeli Pangilinan-Valenciano, at Maricel Laxa-Pangilinan.


Kabilang naman sa mga namataang celebrities na dumalo sa kasal sina Tim Yap, Anne Curtis, Iza Calzado, Divine Lee, Robin Nievera, JayR, Vice Ganda, Donna Cruz., at Billy Crawfort.

Bagamanubulong-bulungan na noong nakaraang taon ang planong pagpapakasal ng dalawa, nito lamang nakaraang Pebrero kinumpirma ito nina Karylle at Yael.


Ang kasalang Karylle-Yael ang ikalawang celebrity wedding ngayon taon. Una ang kasalang Drew Arellano at Iya Villania na ginanap sa Batangas noong Pebrero. (Basahin: Drew Arellano at Iya Villania, kasal na)

Nitong Huwebes, sinurpresa ng basketball player na si JC Intal nang nakaluhod itong mag-propose sa kaniyang nobyang TV host na si Bianca Gonzales sa NAIA Terminal 2. (Basahin: Bianca Gonzales, JC Intal get engaged after airport proposal).

Engaged na rin ang singer na si Yeng Constantino sa nobyo nitong si Victor Asuncion. -- FRJ, GMA New

source: gmanetwork.com