Monday

LJ Reyes wishes to rekindle friendship with Paulo Avelino


Nagkaroon ng pocket presscon ang GMA Artist Center para sa mga artists nila na ang karakter na ginagampanan sa mga serye ng GMA-7 ay kontrabida.

Isa si LJ Reyes sa mga nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa naturang presscon sa Max’s Restaurant noong June 24.

Sabi nga namin sa kanya, “kontrabida” na pala ang label niya.

Ayon naman kay LJ, “Actually, kasi siguro, mas madali lang yung label, kasi para lang mas ma-distinguish.

“Kasi ngayon, nowadays, mas nagiging totoo na yung story na ginagawa natin. At sa totoong buhay, wala naman talagang kontrabida.

“Minsan, meron lang circumstances na yung mga tao, nagiging bida, nagiging kontrabida because of the way they react to things.

“So sa buhay ko, siyempre, ako ang bida. Siyempre, meron akong sariling kontrabida. Yung ganun. Pero, sa totoong buhay, wala naman pong kontrabida.”

Sa totoong buhay, sino kaya ang kontrabida sa kanya?

Natawa ito sabay sabing, “Wala naman... yung mga circumstances talaga. Depende sa personality mo, sa mga goals mo. Doon ka lang magre-react differently.

“Tapos, hindi naman talaga kontrabida pero, yung reaction mo, it’s either mahe-hurt mo ang isang tao or mapapasaya mo.

“Kapag na-hurt mo ang isang tao, ikaw na ang kontrabida. But not necessarily labelled ka as kontrabida.”

E, siya, naging kontrabida na rin ba siya sa totoong buhay?

“Feeling ko naman, I might have hurt people unconsciously or indirectly. But it’s not something I meant to do.

“Hindi naman siguro, hindi naman kontrabida. Kasi kapag kontrabida, sinasadya ko talagang saktan yung tao.”

“Actually, nakakatawa, noong bata ako, maldita talaga ko. Kunwari may kalaro ako, lalo na halimbawa mga pinsan ko, kung nabuwisit ako sa kanila, isusumbong ko sa lolo ko.

“E, yung lolo ko, favorite ako, sila ang pinapalo,” natawang kuwento pa niya.

Prefers challenging roles

Kung tatanungin siya, mas gusto ba niya na ang label niya ay kontrabida o bida?

“Ang gusto ko talaga, hindi ko naman gustong i-label ang sarili ko na kontrabida o bida.

“Pero gusto ko lang talaga yung mga role na matsa-challenge ako. Sometimes kasi, kapag binigyan ka ng bida role, ang nangyayari, hindi na siya masyadong challenging.

“Tapos, may nagtanong sa akin one time, bakit daw sa mga indie films, bida ako, pero sa TV, kontrabida ko.

“Sabi ko naman, gusto ko nga yun na nagagawa ko pareho, nang sabay. Puwede ako sa TV mag-kontrabida at puwede akong magbida sa indie.

“Sa akin, mas tinitingnan ko ang character kung gaano ka-complex, instead of labelling kung bida o kontrabida,” diin niya.

Pero paano nga kung ang label na sa kanya ng Kapuso network ay kontrabida?

“Okey lang, buti nga may label,”natawang sabi niya.

New Series

Sa telebisyon, sa Yagit muli mapapanood si LJ. Pero ang sabi raw ng director nilang si Gina Alajar, wala raw siyang masasabing kontrabida sa serye.

Si LJ ang gaganap sa role na Flora.

Aniya, “Ako ang gaganap na live-in partner ng kapatid ni Yasmien Kurdi. Eventually, sa amin sila titira kasama ang mga bata.

“E, si Flora, gusto niya ng masarap na buhay, maluwag na buhay. Very comfortable life ang gusto niya. So hindi talaga siya kontrabida na kontrabida.”

Nag-story conference pa lang daw sila para sa Yagit dahil balitang September o October pa raw yata ito magpa-pilot.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng nationwide audition. Kasama sila sa audition. Bakit kailangang kasama pa sila?

“Para ma-inspire ang mga kids?” natawang sabi niya.

May nahanap na ba sila?

Ani LJ, “Ang alam ko si Direk Gina, kumukuha sila ng 20, tapos, papabalikin pa ulit yun and down to four.

“Pero I think, kung may makita talaga sila na magagaling na bata kahit hindi pasok sa apat na characters, they might still get them so, audition lang sila nang audition.”

Indie film

Habang wala pang regular na drama series, tinapos muna raw niya ang indie film na The Janitor na pang-Cinemalaya.

Kapareha naman ni LJ rito si Dennis Trillo bilang asawa niya.

“Okay naman ang movie. Masarap kasi talagang katrabaho si Direk Mike [Tuviera]. Yung production, masarap katrabaho. Napakagaan.

“As an actor, si Direk Mike... hindi ka niya pababayaan. Si Dennis, siyempre, masarap katrabaho. Very professional,” paghanga ni LJ.

Paano niya ilalarawan ang karakter niya sa Janitor?

“Mabait naman siyang asawa kasi yung character, minahal talaga niya nang buong-buo si Dennis.

“Yung tipong puwede naman siyang pumili ng iba kasi nga dapat parang hindi kasi siya galing sa mahirap, yung character niya. Pero pinili niya si Dennis... kasi mahal niya,” detalye pa niyang kuwento.

Napansin si LJ sa dalawa niyang naunang Cinemalaya movies. Sa The Leaving ay nanalo siya ng Best Supporting Actress. Na-nominate rin siya sa ilang awards dahil naman sa Intoy Syokoy.

Posible kayang mapansin siyang muli sa The Janitor?

“Iba kasi yung The Leaving, iba kasi yung genre niya, iba rin ang Intoy... ito naman parang action-drama.

“Sana. Hindi ko alam,” kibit-balikat niyang pahayag.

Mommy LJ


Masaya naman daw ang pagiging ina niya sa apat na taong gulang na anak na si Aki.

Sabi nga niya, “Masaya, challenging pa rin. Kasi every time na lumalaki ang anak mo, umaabot sila sa iba’t ibang stage.

“Nag-iiba-iba rin kung paano ang attack mo of raising them, pakikipag-usap sa kanila.

“Siyempre ngayon, kailangan talaga disiplinahin mo siya, turuan mo siya.”

Nagtatanong na ba sa kanya ang anak niya?

“About what? Marami namang tanong ang batang yun. Karamihan pa nga, why.”

Ano ang sagot niya sa mga “why” na tanong ni Aki?

Lahad niya, “Hangga’t kaya kong sagutin, sinasagot ko. Kapag hindi ko na masagot, sinasabi ko, 'E, why are you asking so many questions?'”

Tungkol sa ama nito, kay Paulo Avelino, nagtatanong na rin ba sa kanya?

Dagdag pa niya, “Sa amin ni Pau, wala naman siyang tanong. Minsan hahanapin niya, 'Mommy, where’s Daddy?' Sasabihin ko, nasa work. Ganyan...”

Hindi ba siya tinatanong ni Aki why Daddy’s not coming home?

Tanggi niya, “Hindi, feeling ko kasi, namulat na siya na ganoon ang set-up. And I don’t think naman kasi na nakukulangan siya sa pagmamahal.”

Love life


Kung si Paulo ay hayagan na nanliligaw, o kung anuman ang meron sila ni KC Concepcion, sa parte naman ni LJ, kumusta ang lovelife niya?

May mga manliligaw ba siya?

“Meron naman po,” natawang sagot niya.

“Feeling ko, feeling ko lang! Hindi tayo sure!” natatawang sagot pa rin niya.

“Actually kasi, ayoko ng suitors, gusto ko friends. Mas gusto ko ang maging friends.

“Kasi, kapag sinabi mong ligaw, best foot forward ang mga lalaking ‘to.

“Kaibiganin niyo na lang ako.”

Paano kung ligawan nga siya?

“Na-o-awkward po ako kapag nililigawan ako, kapag may pinapadala sa akin.”

Happy for Paulo

Naitanong namin kay LJ kung paano at ipakilala siya ni Paulo kay KC.

“Okay lang,” nakangiti niyang sabi.

May epekto pa ba sa kanya kapag nakakabalita siya tungkol kay Paulo at may iba na ngang napupusuan?

“Wala e, actually, magiging happy talaga ko kung kunwari maging okey sila at happy sila pareho.

“Siyempre, kung happy ang isang tao, lalabas sa kanya yun. Magaganda ang magagawa niya.”

Kung sinuman ang maging asawa o makakatuluyan ni Paulo, yun din ang magiging stepmom ng anak niya.

“Stepmom agad?” natawang sagot niya.

Kung sakali, concerned ba siya sa magiging stepmom ng anak niya?

“Oo, pero, teka naman, boyfriend-girlfriend pa lang ang pinag-uusapan. Hindi pa naman sila pakakasal,” natatawa niyang banggit.

May nagsabi naman kay LJ na doon na rin papunta yun.

“Opo nga, pero, let’s give them time. Huwag natin silang madaliin. Kung mangyayari, mangyayari yun.

“And I’m sure naman si Pau kung papasok sa isang relationship, alam niya yun, seseryosohin niya. I don’t think na kakalimutan niya ang responsibilities niya kay Aki.

“At kasama na ro'n ang pagpili niya sa pangalawang nanay ni Aki, sabihin na nating ganun...

“I’m sure, pipili naman si Pau ng isang tao na, siyempre, wife niya in the future, katuwang niya sa lahat ng bag

No reconciliation

Tahasan namang sinabi ni LJ na hindi na siya umaasa na magkakabalikan pa silang dalawa.

At saka ito tinanong kung nawala na ba ang love.

“Wala na,” saad naman niya.

“Hindi na kasi ganun, e. I have respect for Pau kasi, siya ang tatay ni Aki.”

Biniro naman si LJ na kung wala ng love, lust na lang?

“Wala, wala rin,” natatawang sabi niya.

“Walang love, wala na ring lust. Hayan, para malinaw. Pero yung respeto, hindi puwedeng mawala kasi, tatay siya ni Aki.”

Friendship with Paulo

Bilang nanay ng anak ni Paulo, hindi raw malayong kahit wala na sila, posibleng pagselosan pa rin siya ng magiging karelasyon nito dahil habang-buhay silang may ugnayan.

Sabi naman ni LJ, “Hindi wala na yun.
=hindi pa ro'n sa comfort level ng friendship namin dati na bago pa kami.

“Gusto kong mabalik yun. Para kay Aki. Kahit noong wala na kami, halimbawa, special occasion, magkakasama kami.”

Kumusta bang ama si Paulo kay Aki?

“Very loving naman siya kay Aki at saka, kapag sila naman ang magkasama, hands-on naman siya.”

Spoiler ba si Paulo?

“Oo, nai-spoil niya kasi, minsan na lang sila magkita. Ako na lang ang disciplinarian.” —  Rose Garcia, Pep.ph

source: gmanetwork.com