Friday

Tinidora, nakaharap na si Yaya Dub; panibagong lihim, nabunyag


Lalong umiinit ang mga tagpo sa kauna-unahang kalyeserye sa Eat Bulaga matapos magkita sina Yaya Dub at ang inaakalang ina niya na si Tinidora.  Pero may bitbit na matinding rebelasyon si Tinidora na ikinagulat din ng mga kakambal niyang sina Lola Nidora at Tidora.

Sa kanilang pagkikita, inalala ni Tinidora ang panahon na magkasama sila ni Yaya Dub noong bata pa ito tulad ng pamamasyal sa breakwater kung saan marami raw lumulutang na hinuhuli ni Yaya Dub.

Pero may inamin din si Tinidora tungkol sa katauhan ni Yaya Dub na ikinagulat din mismo ng kaniyang mga kambal na sina Nidora at Tidora.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com