Friday

Kalyeserye Recap: Alden as Elvis, Maine as Madonna


Handang-handa na nga ang AlDub para sa kanilang performance sa "Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More" ng Eat Bulaga ngayong Sabado.

Ngayong Biyernes nga sa Kalyeserye, todo-bihis ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang talent.

Si Alden Richards, ginaya ang King of Rock 'n Roll na si Elvis Presley.

Si Maine Mendoza naman, kuhang-kuha ang Queen of Pop na si Madonna.



    Team AlDub! #ALDUBPreparePaMore pic.twitter.com/rFbMSqO7YX
    — Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015



Pero kahit iba ang bihis, hindi nawala ang pakilig ng dalawa.



    Alden: kanta ka ba ni Madonna? Yaya: bakit? Alden: Kasi I'm crazy for You #ALDUBPreparePaMore
    — Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015

    Yaya to Alden: "COMMUTE ka ba? Dati CUTE ka lang ngayon lalo kang COMMUTE". #ALDUBPreparePaMore
    — Eat Bulaga (@EatBulaga) November 6, 2015



Sa huli, may bilin si Lola Nidora sa AlDub.

Kailangan daw, sabay ang performance ng phenomenal love team.

Bukod pa dito, nagbigay din si Lola ng ilang choices kung sino dapat ang maging peg ng dalawa: 1) Ken and Barbie; 2) Guy and Pip; 3) Justin Bieber and Miley Cyrus.

May pang-apat na choice din: ang none of the above, kung saan hindi na papayagan ni Lola na magtanghal ang dalawa.

Sino ang dapat gayahin ng AlDub? Click here to vote. —JST, GMA News

source: gmanetwork.com