Friday

Lola Nidora, may ibinunyag na sekreto tungkol sa mansyon


Isang araw bago ang kaniyang kaarawan, wala pa rin sa mood mag-celebrate si Lola Nidora.

Nitong Biyernes sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, may mga ibinunyag ang matanda tungkol sa kaniyang kalagayang-pinansyal.

Mayroon daw dalawang malaking problema ang matanda.

Una, nakasangla ang kaniyang mga alahas ang kaniyang mga alahas.

Pangalawa, nakasangla rin ang kaniyang mansyon.

At ang katauhan ng mga pinagsanglaan: si Doña Barbara Latisha Rockefeller vda. de Faulkerson — o ang Lola Babah ni Alden.

Dati nang nasilayan ang mansyon ni Lola Nidora nang dumalaw si Alden kay Yaya Dub.

Sa totoong buhay, isa itong heritage mansion na idinisenyo ng isang national artist at minsan pang binisita ng ilang pangulo ng bansa.

source: gmanetwork.com