Thursday

AlDub's first date, itinakda na sa Sabado


From AlDub to MaiDen?

'Yan ang sigaw ng mga fans sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga ngayong Huwebes.

Kaya naman sinubukan ang compatibility ng dalawa sa isang matching game.

Unang tanong: Umuulan o mainit na panahon?

Parehong sagot nina Alden at Maine: Umuulan!

Pangalawang tanong: Jeep o LRT?

Jeep para kay Alden, pero LRT naman para kay Maine.



Third question: Park o beach?

Tugma na naman ang dalawa sa sagot na beach!

Pang-apat na tanong: Beatles o One Direction?

Old school si Alden sa Beatles, pero current naman si Maine for One Direction.

Usapang ulam sa panlimang tanong: adobo o sinigang?

Swak na naman ang sagot ng dalawa sa sinigang.

Meryenda naman ang topic ng seventh question: pancit o spaghetti?

Nagkasundo na naman ang dalawa: pancit all the way!

At ang last question: church wedding o beach wedding?

Pareho ang sagot ng dalawa: sa simbahan!




Samantala, inihayag na ni Lola Nidora kung ano ang regalo niya para sa pangalawang monthsary nina Alden at Yaya Dub.

Ito ay mga cupcake na may mga letrang A-T-D-E.

Kapag ni-rumble ang mga letra, ito ay isang DATE.

"Pinapayagan ko kayong mag-date ni Alden," ani Lola.

Dagdag pa ng matanda, sa Sabado na ang first date!

Abangan ang susunod na kabanata sa pagpapatuloy ng kalyeserye sa Eat Bulaga. -JST, GMA News

source: gmanetwork.com