Wednesday

Post ni Georgina Wilson sa Twitter, ikinakilig ni Maine Mendoza


Hindi na nga matawaran ang dami ng sumusubaybay sa phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bihira na ang nakakaligtas sa AlDub fever, at maging ang isa sa mga tinaguriang 'It girl' na si Georgina Wilson ay aminadong fan rin ni Yaya Dub.

Pinapanood daw ni Georgina ang Dubsmash videos ng dalaga, kung saan unang nakilala ito ng netizens.

Ayon kay Georgina, “Never thought I'd be saying this but I'm OBSESSED with @mainedcm yaya dubs videos!!!! They are so hilarious!!!! Especially the Kris A ones!!”

Hindi naman napigilan ni Maine ang kilig nang mabasa niya ang pagpuri na ito mula sa TV personality at model.

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

source: gmanetwork.com