Wednesday

Vic Sotto on marrying Pauleen Luna: 'Suwerte, suwerte lang'



Kinumpirma ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto kamakailan lang na engaged na sila ng kanyang longtime girlfriend at fiancée na si Pauleen Luna.

Dahil sa masayang pangyayari na iyon, may mga ilang detalye na lumabas tungkol sa magiging kasal ng dalawa ngunit pinabulaan ito ni Bossing, lalong-lalo na ang diumanoy wedding date.

“’Di ko alam sa’n galing ang mga detalye. Before the Year of the Goat ends, wala pa naman kaming final na plano talaga,” saad ng komedyante sa report ng Unang Hirit.


Hindi rin daw magiging malaki ang magaganap na kasalan. Aniya, “Kami ni Pauleen, we’re not into big [or] talagang engrande [na kasal]. Sakto lang [basta andun ang mga] kaibigan [at] family.”

Kasalukuyang nasa States ang dalaga para dumalo sa kasal ng kanyang kaibigan at lantaran na ipinahayag sa publiko na nami-miss niya ang kanyang fiancé.

Ano naman kaya ang masasabi ni Bossing sa nalalapit nilang kasal? “For me, I’m excited! Of course, I feel very thankful and suwerte. Suwerte, suwerte lang!” pagtatapos ni Vic.

source: gmanetwork.com