Monday

Juancho Trivino reveals Alden Richards' taste in girls: 'Maliliit na babae ang type niya, ['yung] petite'


Kung mayroon mang nakakaalam ng taste ni Pambansang Bae Alden Richards pagdating sa girls, wala itong iba kung 'di ang classmate niyang si Juancho Trivino.

Ayon kay Juancho, kahit isang taon lang silang naging magkaklase sa De La Salle Canlubang, Laguna ay sapat na ito para makilala niya nang husto si Alden.

Kuwento ng Kapuso actor, mayroon daw niligawan si Alden noon sa kanilang school. "Mayroon siyang naging type na Koreana. Palagi niyang kasama pero siyempre kapag may kasama siyang babae hindi na namin kinukulit 'yon. Pinapabayaan na lang namin sila," pahayag ng upcoming 'Little Mommy' star.

"Yung maliliit na babae ang type niya, ['yung] petite," dagdag pa niya.

Bigla namang pumasok sa isip ni Juancho ang love team ni Alden na si Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub. "'Di ba si Maine medyo petite 'yon? So ganoon pa rin 'yung taste niya hanggang ngayon. Well, siyempre hindi ko alam lahat ng taste niya pero 'yung gusto niya before, mga petite at chinita." pagtatapos niya.

source: gmanetwork.com