Thursday

From wacky to stunning, Maine Mendoza transforms in one photo shoot with Liz Uy


Ilang beses nang nakakatrabaho ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang ilan sa mga pinakasikat na celebrity stylists, make up artists, at hairdressers para sa kaliwa't kanan niyang endorsements mula nang maging phenomenon ang Kalyeserye ng Eat Bulaga at ang loveteam nila ni Pambansang Bae Alden Richards.

Nitong linggo, ibinahagi ng celebrity stylist na si Liz Uy ang behind-the-scenes photos ng isa sa pinakabagong photo shoot ng dalaga.

Bukod sa kakaiba niyang talento sa pagpapasaya ng mga manonood at maging lahat ng taong nakakasalamuha niya sa totoong buhay, pinuri rin ni Liz ang versatility ni Maine.

Ayon sa isang Instagram post ng Stylized Studio, “From wacky to stunning.. @mainedcm sure knows how to manage her versatile expressions!”



Sa mga naunang pahayag, ibinahagi ni Liz na masayang kasama at katrabaho si Maine hindi lang dahil sa nakakatuwang personality nito kundi dahil rin sa professionalism ng dalaga at sa pagiging simple at mapagkumbaba nito.

“Maine is very professional, and she delivers. Heard from her first major endorsement that the TVC translated to sales,” ayon sa celebrity stylist.

Dagdag pa niya, “She is very very simple. She is very shy pero at least, slowly she’s warming up na to me. She is very different from her on-cam persona.” —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News

source: gmanetwork.com