Monday

Max Collins and Pancho Magno baptized as born-again Christians


Bininyagan kamakailan lamang bilang born-again Christians ang Kapuso actress na si Max Collins at ang TV hunk at actor na si Pancho Magno sa ilalim ng religious group na Victory Christian Fellowship.

Hindi maitago ng "Juan Tamad" leading lady ang kaniyang saya matapos ang kanilang water baptism sa Victory Greenhills.

Ayon kay Max sa isang Instagram post, “The happiest day of my life. I am now officially a born again Christian. #VictoryWeekend #VictoryGreenhills #WaterBaptism”

Naging bahagi sina Max at Pancho ng itinuturing na pinakamalaking Victory Weekend sa Greenhills.

“As my spiritual leader @joashpaunil said "The two most important days in your life are the day you are born and the day you find out why." quote by Mark Twain. Thank you! #victorygreenhills #victoryweekend2015” pagbabahagi ni Pancho.



Nitong Agosto lamang, bininyagan rin ng Victory Christian Fellowship ang Kapuso actress na si LJ Reyes.

Nagpabinyag ang aktres kasabay ang mahigit 60 pang mananampalataya, kabilang na ang volleyball superstar mula sa De La Salle University Lady Spikers na si Melissa Gohing. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News

source: gmanetwork.com