Wednesday

Yaya Dub, fan ng sikat na American rock band na Lifehouse


Mabilis na kumalat sa social media kahapon ang larawan ng sikat na rock band na Lifehouse na nakapabebe wave.

Kuha ang larawan ni GMA Showbiz reporter Nelson Canlas nang makapanayam ang grupo. Nakatakdang magtanghal ang Lifehouse sa darating na Huwebes (October 8) para sa one night concert nila sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Laking gulat nga ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub ng hit kalye-serye portion ng Eat Bulaga nang malaman niya na nasa bansa na ang Lifehouse at nakita ang pabebe wave photo nila Jason Wade, Rick Woolstenhulme Jr., Ben Carey at Bryce Soderberg.

source: gmanetwork.com