Friday

Wally Bayola overwhelmed by positive response to his Lola Nidora character


Madalas naisusulat na deserving si Wally Bayola na manalo ng award dahil sa iba’t ibang karakter na ginagampanan niya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Bukod kay Lola Nidora, ginagampanan din ni Wally ang papel bilang Duhrizz, ang apo niya, at Rihanna, ang mayordoma sa mansyon.

Reaksiyon dito ng comedian, “Siyempre po, nakaka-overwhelm.

"Pero sabi ko nga, 'yung simpleng marami kang napapatawa...

"Kumbaga kasi, marami ang nagsasabi sa amin, lalo na nung isang beses na nagpunta ako sa St. Luke’s [Hospital], ang sabi sa akin, ‘Meron kang tagahanga na ganito, puwede ka raw bang pumunta dun?’

“Pinuntahan ko ang nanay. Sabi sa akin, ‘Salamat po. Naaawa kami sa nanay namin.’

“Pero kapag nanonood siya ng AlDub, nag-i-smile raw ang nanay nila.

"'Yun ang malaking reward sa amin. Nakakapagpasaya kami ng taong malungkot, may sakit.

"'Yun na ang malaking reward."

Turnaround

Ayon kay Wally, sa dami ng characters na ginawa niya, pinakaiba raw talaga si Lola Nidora.

“Sa tagal ko na rin na maraming ginagaya, talagang ito lang si Lola Nidora ang nabigyan ng moment.”

Kung dati ay kontrabida ang dating ni Lola Nidora sa pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub, ngayon ay kabaligtaran na.

Marami ang natutuwa at nai-inspire sa words of wisdom na ibinabahagi ni Lola Nidora sa Kalyeserye.

Sabi ni Wally, “Nagulat lang ako dahil nagkataon na 'yung lola, hindi na masyadong galit.

"Hindi na masyadong galit sa dalawa [Alden at Yaya Dub].

“Parang pumapayag na siya. Marami na ang nagmamahal kay Lola sa AlDub Nation.” —PEP

For the full story, visit PEP.

source: gmanetwork.com